^

Pang Movies

Paolo, ‘di na kinakaya ang bashers!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Paolo, �di na kinakaya ang bashers!
Paolo Contis

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Paolo Contis tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen Santos.

Sa latest interview ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda ay natanong siya kung bakit mas pinipili na niya ngayong manahimik tungkol sa kanyang love life.

Aniya sa tingin daw niya kasi ay hindi na parte ng craft niya ang pagse-share ng kanyang pribadong buhay.

“I think dumating na kasi tayo sa point na feeling ko, people think na we owe it to everyone to share what is happening to you and I believe na it’s not part of my acting craft anymore,” paliwanag ni Paolo.

Dagdag pa niya, gusto na lang niyang itira para sa sarili niya ang tungkol sa personal life niya.

“Habang nagsi-share ka nang nagsi-share, lalo kang pakikialaman. And respeto sa mga tao sa buhay ko, I think it’s time na ‘yung mga pribadong bagay, ‘yung mga walang kinalaman sa pag-arte mo o sa craft mo bilang artista, itira mo na ‘yun para sa sarili mo,” he said.

Napapabalita kasi ngayong nag-break na sina Paolo at Yen and up to now ay wala pa silang paglilinaw tungkol dito.

Tungkol naman sa katakut-takot na bashings na kanyang natatanggap, aminado naman siyang naaapektuhan din siya pero mag nagpo-focus na lang daw siya sa mga magagandang komento.

“Ako kasi, I make sure na sa 100 na bashings at may isang positive diyan, I concentrate on that positive. Naniniwala ako na ‘pag may isang naniniwala sa ‘yo, okay ka pa,” aniya.

Naiintindihan daw niya na may sari-sariling opinyon ang bawat tao.

“So, ang sa ‘kin, hangga’t may isang naniniwala sa ‘yo, tuloy ka lang,” sambit pa niya.

Karla, may dasal para kay Daniel

Dasal ni Karla Estrada na okay naman ang anak niyang si Daniel Padilla ngayon matapos ang controversial breakup nito with Kathryn Bernardo.

“‘Yung anak ko, pinag-usapan naman ng buong mundo ‘yan, ano? And I always pray that he will be okay,” sey ni Karla sa panayam niya sa vlog ni Bernadette Sembrano.

“But at the end of the day, ‘yung question na ‘kumusta ‘yung anak ko, kumusta si Daniel,’ si Daniel lang ang tanging makakasagot nang buo nu’n,” dagdag niya.

Bilang ina, hangad daw niya siyempre ang lahat ng maganda para sa kanyang anak.

“I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko, hindi lang kay Daniel, and I always pray na maging better sila. Sana ‘pag dumadaan sila ng mga pagsubok, sana, maganda ang lesson talaga,” aniya.

“Kasi kailangan mong magkamali para may matutunan ka at para mas maging maayos ka at mabuti kang tao after that,” patuloy ni Karla.

Pero anytime raw na tawagan siya ni DJ or kailanganin siya, lagi lang daw siyang nandito for him.

“Nandito lang ako lagi sa likod ni DJ if ever tawagan niya ‘ko at gusto niya kong makausap,” sey ni Karla.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with