^

PSN Palaro

Galanza muntik nang sumuko

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Galanza muntik nang sumuko
Je­ma Galanza

MANILA, Philippines — Dahil sa kabiguang ma­walis ang elimination round bunga ng paglakas ng ibang koponan ay minsan nang naisip ng Creamline team na sumuko.

Inamin ito mismo ni Je­ma Galanza.

“Talagang umabot kami sa point na parang hindi na kami aabot ng semis, parang hindi na kami aabot ng Finals,” litanya ni Galanza.

“Pero sa lahat ng mga pag­subok at napagdaanan namin, nakita ko sa mga teammates ko na wala ta­­lagang sumuko. Walang nag­kukuwestiyon sa amin,” dagdag ng outside hitter.

Ang resula nito ay ang 2-0 sweep ng Cool Sma­shers sa utol na Choco Mu­cho Flying Titans sa ka­nilang best-of-three championship series para pag­reynahan ang 2024 PVL All-Filipino Conference.

Hinirang ang 26-anyos na si Galanza bilang Finals Most Valuable Player.

Sa 24-26, 25-20, 25-21, 25-16 panalo ng Creamline sa Choco Mucho sa Game One ay humataw ang da­ting kamador ng Adamson Lady Falcons sa UAAP ng 20 points.

Umiskor din ng 20 mar­kers si Galanza sa 20-25, 25-20, 22-25, 25-22, 15-11 paggupo ng Cool Sma­shers sa Flying Titans sa Game Two para kumpletu­hin ang finals sweep.

Ayon kay Galanza, mas malawak na ngayon ang eksperyensa ng Creamline.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with