^

Metro

Nagpanggap na Pinay, Vietnamese dinampot sa NAIA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Isang babaeng Viet­namese ang ­kalaboso matapos mahuling gu­magamit ng Philippine passport na nakapa­ngalan sa isang pekeng Filipino identity sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Hu?nh Th? Loan, na gumamit ng pangalang Mary Ann Altarejos Antolin, isang Filipino citizen. Hinarang siya ng mga immigration officer noong Nobyembre 19, 2026, habang sasakay sa VietJet flight patungong Ho Chi Minh City.

Sa isinagawang secondary inspection, napansin ng mga opisyal ang mga hindi tugma sa inaangkin niyang pagkakakilanlang Pilipino. Hindi umano nakapagsalita o nakauunawa ng Tagalog ang suspek at hindi rin nakapagbigay ng pangunahing impormasyon tungkol sa kanyang Filipino background.

Iniimbestigahan nga­yon ng BI kung paano nakakuha ng tunay na Phi­lippine passport si Hu?nh, gayong ipina­nganak siya sa Vietnam sa mga magulang na ­kapwa Vietna­mese. Inuri ng ahensiya ang kaso sa ilalim ng “Phantom Citizenship” scheme, kung saan gumagamit umano ang mga dayuhan ng pekeng Filipino identity upang makakuha ng mga karapatan at pribilehiyo bilang mamamayan ng bansa.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with