^

Metro

Ordanes, pinuri si PBBM sa ASEAN, APEC Summits

Pilipino Star Ngayon

Seniors makikinabang sa investments

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsusulong ng mas matatag na ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng ASEAN at APEC summits.

Ayon kay Ordanes, inaasahang magbubukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo at trabaho ang mga pandaigdigang pagpupulong at state visits, na makatutulong sa pagdami ng fo­reign investors sa bansa.

Nagpahayag din siya ng positibong pananaw sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at China kasunod ng pagdalo ng Pangulo sa 33rd APEC Summit sa Shenzhen.

Aniya, mahalagang maipakilala ang Pilipinas bilang isang maaasahang investment partner. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa P166.03 bil­yon ang approved foreign investment commitments sa third quarter ng 2026, mas mataas ng 125.3 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Inaasahang makalilikha ang mga proyektong ito ng 13,805 trabaho.

Binigyang-diin ni Ordanes na dapat ding mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikado at may kakayahang senior citizens at retirees na makibahagi sa mga oportunidad sa trabaho. Aniya, mahalagang yaman ng bansa ang kanilang karanasan, kasanayan, at kaalamang naipon sa paglipas ng mga taon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with