Eala nominado sa WTA award

MANILA, Philippines — Pormal nang inilabas ng Women’s Tennis Association (WTA) ang mga kandidato sa para sa Most Improved Player of the Year award.
At isa si Alex Eala sa listahan ng mga players na gumawa ng ingay at nakitaan ng malaking pag-unlad sa kanilang mga laro at ranking.
Kasama rin sa mga inanunsiyo ng WTA para sa 2026 WTA Player Awards ang mga kandidato sa Player of the Year, Doubles Team of the Year, Newcomer of the Year at Comeback Player of the Year.
Ilan sa mga naging basehan ng WTA ang tagumpay ni Eala sa season an ito kabilang na ang pagkopo ng kaniyang kauna-unahang WTA Tour title matapos magkampeon sa Mubadala DC Opan sa Washington, D.C.
Kasama pa rito ang kaniyang pagpasok sa fourth round ng Wimbledon kung saan tinalo nito sa third round si 2025 Wimbledon champion Iga Swiatek ng Poland.
Nakapasok din si Eala sa semis ng 500 Berlin Open sa Germany at ASB Classic sa New Zealand at ang kaniyang runner-up sa katatapos na Hong Kong Open.
Mayroon din itong 7-3 rekord laban sa mga Top 10 players sa WTA ranking.
Magarbong tinapos ni Eala ang season tangan ang career-high No. 15 sa WTA rankings.
Makakasama ni Eala sa listahan ng mga kandidato sa Most Improved Player of the Year award sina No. 10 Marta Kostyuk, No. 11 Diana Shnaider, No. 13 Iva Jovic at No. 16 Sorana Cirstea.
- Latest



















