^

PSN Opinyon

Dapat gawin sa unang araw mo sa abroad

PINOY OVERSEAS - Ramon Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Marami kang makakaharap na bago sa simu- la ng pangingibang-bansa, mag-aaral ka man o magtatrabaho sa dayuhang lupain. Ang unang mga buwan sa ibang bansa ay panahon ng matinding pagsubok sa emosyon at pag-a-adjust. Karaniwan ang tinatawag na homesickness— ang kalungkutang dulot ng pangungulila sa pamilyang naiwan, sa mga kaibigan, sa sariling bahay, at sa mga bagay na dati nang bahagi ng pang-araw-araw na buhay.

Ayon sa ilang payo mula sa Expatica, isang online global platform para sa mga dayuhang naninirahan sa iba’t ibang bansa, may ilang sim- pleng hakbang na makakatulong para maging mas magaan ang unang yugto ng iyong pamu- muhay sa abroad. Isa na rito ang pagdadala ng mga bagay na may sentimental na halaga sa iyo—mga gamit na magpapaalala sa tahanan at sa mga taong mahalaga sa iyong buhay. Maaaring ito ay mga litrato o video ng pamilya, maliit na alaala mula sa mga kaibigan, paboritong aklat, lumang sulat, relos, o kahit isang simpleng bagay na matagal mo nang ginagamit. Parang tulay ito sa dati mong buhay.

 

Bago pa man umalis ng Pilipinas, magsasalik- sik ka na tungkol sa bansang iyong pupuntahan. Hindi lamang ito tungkol sa klima o lokasyon, kundi pati sa kultura, batas, sistema ng transpor- tasyon, at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao roon. Makipag-usap sa mga kababayan o kakilala na matagal nang naninirahan sa lugar na iyon. Sila ang makapagbibigay ng praktikal na impormasyon na hindi laging mababasa sa internet—kung alin ang mas murang bilhan na Dapat gawin sa unang araw mo sa abroad pagkain, kung aling lugar ang ligtas tirhan, o kung paano makibagay sa mga lokal na kaugalian. Sa pamamagitan ng ganitong paghahanda, mas ma- giging handa ang iyong isip sa mga pagbabagong iyong haharapin.

 

Isa pang mahalagang hakbang ang pag-aaral ng lengguwahe ng bansang iyong titirhan. Hindi kailangang maging perpekto agad ang pagsasalita. Kahit ang simpleng kakayahang bumati, magtanong ng direksiyon, o umorder ng pagkain sa lokal na wika ay malaking tulong na sa pangaraw-araw na pakikisalamuha. Bukod sa praktikal na benepisyo, nakakatulong din ito upang mas mapalapit ka sa mga lokal na mamamayan.

Mahalaga ring makilala mo ang komunidad na iyong tinitirhan. Pag-aralan kung saan matatag- puan ang mga lokal na tindahan na nagbebenta ng pagkain, gamit sa bahay, at iba pang pangangailangan at kahit ang pinakamalapit na botika, mall, sakayan, restawran at iba pa.

Isa rin sa mga unang praktikal na hakbang pagdating sa abroad ang pagkuha ng cellphone na may lokal na numero. Sa panahon ng kagipi- tan o problema, makakahingi ka ng tulong.

Lumabas at tuklasin ang paligid ng iyong tinitirhan. Ang simpleng paglalakad sa kalye o pagbisita sa mga parke at pampublikong lugar ay makakatulong upang maging pamilyar ka sa iyong bagong kapaligiran. Kung may pag- kakataon, makipagkilala rin sa mga kapitbahay. Ang simpleng pagbati o maikling pakikipag-usap ay maaaring maging simula ng mabuting sama- han.

Natural lamang na sa gitna ng lahat ng ito ay mararamdaman mo pa rin ang pangungulila sa iyong iniwan na tahanan. Tanggapin na ang homesickness ay isang paraan ng iyong puso para manatiling konektado sa lugar na iyong pinagmulan. Ito ang nagpapaalala sa iyo ng mga taong mahalaga sa iyong buhay at ng mga alaala na humubog sa iyong pagkatao.

Kung magagawa mong manatiling bukas ang isip at magalang sa mga taong iyong makikilala, mas magiging madali ang iyong pakikibagay. Ang pagrespeto sa kultura at kaugalian ng iba ay kadalasang nasusuklian din ng paggalang.

 

Email-[email protected]

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with