QCPD, alerto sa 2-day strike

MANILA, Philippines — Inihayag ng Quezon City Police District (QCPD) na naka-full alert sila para sa dalawang araw na transport strike at kilos-protesta ng MANIBELA ngayong araw, Setyembre 14 at bukas, Setyembre 15.
Ayon kay QCPD District Director PBGen Christopher Olazo, magpapakalat ng mga pulis sa mga strategic area upang tiyakin ang seguridad, maayos na daloy ng trapiko, at tulong sa mga maaapektuhang commuter.
Inaasahang magsisimula ang protesta sa Welcome Rotonda, Quezon City bago tumungo sa Mendiola, Maynila.
Iginiit ng QCPD na iginagalang nito ang karapatan sa mapayapang pagtitipon, kasabay ng panawagan sa mga kalahok na panatilihing mapayapa, maayos at naaayon sa batas ang pagkilos.
- Latest
























