^

Metro

Higit P99 milyong puslit na diesel, yosi, at lumber nasabat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit P99 milyong puslit na diesel, yosi, at lumber nasabat
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensiya na ang mga operasyon ay isinagawa ng Naval Command Western Mindanao (NCWM) mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3.
STAR / File

MANILA, Philippines — May tinatayang P99.65 milyong halaga ng puslit na diesel, siga­rilyo, at lumber ang nasabat sa maritime enforcement operations sa Western Mindanao, ayon sa ulat ng Bureau of Customs (BOC) ­nitong Sabado.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensiya na ang mga operasyon ay isinagawa ng Naval Command Western Mindanao (NCWM) mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3.

Nasamsam sa mga operasyon ang undocumented na diesel fuel na nagkakahalaga ng P72.17 milyon, mga puslit na sigarilyong may foreign brand, isang motor vessel na nagkakahalaga ng P27.23 milyon, at ilegal na ibiniyaheng Lauan lumber na nagkakahalaga ng P251,999.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepo­muceno, ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa pangako ng NCWM sa maritime security at sa mahalagang papel nito sa pagpigil sa mga ilegal na aktibidad sa loob ng karagatan ng bansa.

Muling pinagtibay ni Nepomuceno ang suporta ng BOC sa mga law enforcement at military agencies na nagsusumikap na palakasin ang border security at itaguyod ang rule of law.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with