Chinese actor, massive ang kasikatan dahil sa serye

Massive ang popularity ngayon ng chinese actor na si jing boran.
At hindi lang sa China, worldwide na.
Ito ay dahil sa series na My Early Spring with Sun Qian.
At kasama ang maraming Pinoy sa nababaliw sa nasabing series na umiikot ang kuwento sa magka-opisinang ang harot ng relasyon.
Itinatago nila ang kanilang relasyon kahit pareho naman silang single dahil sa policy sa kanilang opisina.
Ang sayang panoorin, sobra ang kilig.
Hahaha.
Ayon sa mga report muntik na pala itong hindi makapasa sa censor board sa China kung saan ito ang kauna-unahan sa mainland China na gumamit ng *intimacy coordinator*.
Ito ay dahil daw sa rami ng intimate scenes na hindi malaswa sa totoo lang.
May natitira pang ilang episode nito sa Netflix pero nagtatanong na ang followers kung dito na ba magtatapos ang kuwento nina Luke (Jing Boran) at Flora (Sun Qian).
May clamor na magkaroon ito ng second season.
Parang medyo na-laylow ang fans sa mga Korean drama lately dahil din sa mga Chinese drama na ang ganda rin ng story nila at nag-e-explore rin sila sa mga magagandang location.
Ngayon, ang gustong puntahan ng maraming Pinoy ay ang Beijing, China.
At ang mga outfit nila, lahat branded na hinihintay ng mga manonood.
- Latest





















