^

PSN Opinyon

May hangganan ang kapangyarihan

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Ang kaso ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez ay hindi nag-iisa. Marami nang mambabatas sa Pilipinas ang nakulong dahil sa katiwalian, mula Senado hanggang Kongreso. Ang mga kasong ito ay patunay na kahit makapangyarihan, puwedeng managot sa batas.

Si Romualdez ay kinasuhan ng P7.4 bilyong plunder kaugnay ng flood control projects. Nagdulot ito ng malaking dagok sa Kamara at sa administrasyon dahil siya ay pinsan ng Pangulo. Ang kaso ay muling nagpapaalala sa taumbayan na ang katiwalian ay hindi natatapos sa mga headline. Ang mga flood control projects na dapat sana’y nagligtas sa mamamayan mula sa baha, ngayo’y naging sentro ng akusasyon ng kickback at pandarambong. Sa halip na proteksiyon, naging negosyo.

Ilan pa sa mambabatas na nakakulong ngayon dahil sa umano’y katiwalian si Sen. Jinggoy Estrada na isinangkot sa P573 milyon mula sa mga proyekto sa flood control. Si Sen. Rodante Marcoleta ay kinasuhan ng plunder dahil sa umano’y hindi pagdeklara ng P75 milyon campaign contributions noong 2025 elections. Nakulong naman si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng kasong malversation na may kinalaman sa P92.8-milyong ghost flood control project sa Bulacan pero nakalaya matapos magpiyansa.

Karamihan sa mga nakulong ay dahil sa graft o plunder cases. Ang mga kasong ito ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala sa Kongreso at Senado. Madalas na napapawalang-sala o nakakapagpiyansa ang mga mambabatas, kaya’t lumalabas na mahirap makamit ang ganap na pananagutan.

Ang pagkakakulong ni Romualdez ay bahagi ng mas mahabang listahan ng mga mambabatas na nahaharap sa batas. Ang mensahe nito ay walang sinuman, kahit makapangyarihan, ang dapat lumampas sa batas. Ang kapangyarihan ay may hangganan. Ngunit nananatiling hamon kung tunay bang may hustisya o kung pamumulitika lamang ang umiiral.

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with