^

PSN Opinyon

Gen. Marantan ‘no show’ sa turnover ceremony!

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Tuluyan nang nagtapos ang serbisyo sa Philippine National Police (PNP) ni PBrig. General Hansen Marantan bilang director ng PNP-Region IV-A o Calabarzon Region matapos niyang maabot ang mandatory retirement age na 56, kahapon, Hulyo 10.

“No show” naman si Marantan sa turnover of office ceremony dahil sa birthday umano nito at tanging ang ipinadalang kinatawan ang pumorma sa simpleng sere­monya sa “assumption of office” kung saan isinagawa ang pagpapasa ng flag at libro sa bagong talagang director ng Calabarzon Police na si Brig. Gen. Dominic Baccay.

Kasunod na rin ito sa pagbasura ng Palasyo ng Malacañang sa rekomendasyon ni DILG Secretary Jonvic Remulla na mapalawig pa ang panunungkulan ni Brig. Gen. Marantan bilang regional director ng Calarbazon Police.

Alam kaya ni Sec. Remulla ang kanyang ginawa, kung makagaganda ba ito sa pangkalahatan sa hanay ng PNP? O tila bulgaran na ang pagpapakita ng “favoritism” at “bata-bata” system nito sa pambansang pulisya?

Sa kasaysayan, wala pa kasi akong matandaan na isang regional police director ang na-extend matapos ang retirement age maliban sa mga chief PNP na napalawig sa puwesto alinsunod sa basbas ng Pangulo ng Pilipinas.

Naalala ko tuloy si dating PNP chief Nicolas Torre III na sinibak sa posisyon. Hindi ba’t si Sec. Remulla ang sinasabing dahilan noon kung bakit ilan buwan lang siya sa puwesto ay natanggal na bilang PNP chief matapos masilipan ng butas?

Kahit pa nga si ex-Gen. Torre ang mismong nagsa­gawa ng 2-linggong police operations sa Davao City upang maaresto si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy, at naglakas-loob na dakpin din si dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi ba’t walang nagawa si Pres. Bongbong Marcos kundi sibakin si Torre bilang PNP chief.

Magugunita na isa sa mga bata ni Remulla ang tila nasa­gasaan, makaraang masampolan ni Torre ng kan­yang “revamp” at itinapon sa Mindanao region.

Pag-alis ni Torre sa puwesto bilang chief PNP, agad namang naibalik ang mga opisyal na ni-reshuffle nito kasama na r’yan ang dating Calabarzon chief.

Pabor ako sa naging desisyon ng Malacañang dahil nabalanse nito ang sitwasyon. Hindi ito kumagat sa tila “manipulasyon” ni Remulla sa hirit na extension ni Marantan.

Kapag napaboran kasi si Remulla sa “extension”, siguradong magsisilbing “precedent” o batayan na ito ng mga kapit-tukong opisyal ng PNP para sa hinaharap.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with