^

PSN Opinyon

BBM admin OK, Zaldy Co ang ‘big fish’— survey

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Sa pinakahuling nationwide survey ng RPMD Foundation Inc. na isinagawa noong Enero 3–8, 2026, malinaw na may shift sa isip at damdamin ng sambayanang Pilipino.

Batay sa 2,500 randomly selected respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa, unti-unti nang humuhupa ang init ng usapin sa flood control—nasa 38 percent na lamang ang antas ng interes ng publiko. Hindi ito simpleng pagkasawa; ito ay reaksiyon sa nakikitang aksyon ng pamahalaan: may iniim­­bestigahan, may sinasampahan ng kaso, at may due process na sinusunod.

Ngunit huwag magkamali—hindi pa tapos ang kuwento. Kung may isang malinaw na sigaw ang survey, ito ay ang pa­na­wagan para sa pananagutan ng tinutukoy ng publiko bilang “big fish”.

At malinaw sa datos kung sino ang tinutukoy nila: Zaldy Co, ang dating kongresista na nais i-prosecute ng 78 percent ng mga respondent. Walang paliguy-ligoy ang mensahe ng bayan —siya ang sentro ng kanilang hinihinging hustisya. Hindi sapat ang maliliit na pangalan; ang gusto ng publiko ay malinaw at konkretong aksiyon laban sa mga may kapangyarihan.

Sa gitna ng tensiyon at kontrobersiya, nananatiling relatively steady ang posisyon ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa survey, nasa 58 percent ang kanyang trust rating at 55 percent ang job approval—na nagbubunga ng 56.5 percent Index of Governance (IOG).

Hindi ito landslide support, ngunit malinaw na may umiiral pang tiwala. Isa itong wait-and-see moment: may kredito ang administrasyon, pero may binabantayan ang publiko.

Samantala, kung bumababa ang interes sa flood control, mas lalong bumibigat ang isang isyu—kahirapan. Ayon sa survey, 45 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang mas maganda ang kanilang buhay noon kaysa ngayon. Mataas ang bilihin, mabigat ang araw-araw.

Gayunman, may twist: nananatiling optimistiko ang marami para sa 2026. May pag-asa, ngunit may malinaw na kondisyon —kailangang maramdaman ang ginhawa.

At ano ang hinihingi ng bayan kapalit ng tiwala? Aksiyon at pagbabago. Kahit naniniwala ang mayorya na nasa tamang direksyon ang administrasyon, 32 percent ng mga respondente ang nagsasabing kailangan na ang Cabinet shake-up. Ibig sabihin: hindi sapat ang “may ginagawa”; gusto ng publiko ang “mas mahusay at mas mabilis.”

Sa huli, malinaw ang mensahe: ang Pilipino ay hindi na nadadala sa salita. Gusto nila ng hustisya—at malinaw kung sino ang tinutukoy nilang “big fish”. Ang tanong ngayon: may mangyayari ba, o mauuwi na naman ito sa panibagong galit ng bayan?

RPMD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with