^

PSN Opinyon

PDEG cops, hahagupitin ni Nartatez!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula na ang unos sa buhay ng 15 miyembro ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na inakusahang nang-rape at nagkulimbat ng alahas at ari-arian ng isang 18-anyos na babae sa Cavite. Ito ay matapos magsampa ng kasong administratibo sa Napolcom ang biktimang si alyas Nena.

Ayon kay Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., kikilos din ang Internal Affairs Service para ma-swak na sa banga itong mga tiwaling pulis. Binigyan-diin ni Nartatez na ang liderato n’ya ay “zero tolerance for abuse, misconduct, or any action that undermines public trust.”

“Personnel who perform with dedication, honesty, and honor will be duly recognized and rewarded,” ani Nartatez. “Conversely, those who deviate from these standards will face swift and appropriate consequences under the law,” ang giit pa n’ya.

Sinigurado ni Nartatez sa pamilya ng biktima na personal n’yang i-monitor ang imbestigasyon hanggang malapatan ng tamang kaparusahan ang 15 tiwaling pulis. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Lumutang sa Napolcom sina Nena, kasama ang factory worker na pinsan na si Stephen at ang 22-anyos na live-in partner nito upang magsampa ng kaukulang kaso.

Ikinuwento ng mga biktima kay Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan na pinasok ng raiders na taga-PDEG SOU4-A ang kanilang bahay sa Bacoor, Cavite noong Sabado at kinulimbat ang kanyang alahas, mobile phone at ang pinakamalufet ay ginahasa pa si Nena. Inamin naman ni Nena na hindi s’ya ang target ng PDEG ope­ration kundi ang kanyang boyfriend na hindi nila inabutan.

Ayon kay Nena, nasa loob sila ng kuwarto ng biglang pina­labas ng team leader ang mga tauhan niya, ni-lock ang pinto at pilit siyang pinaghubad. Kinilala ni Calinisan ang team leader na si Lt. Ram Rojun Pastor Maristela. Araguyyy! Paktay kang bata ka! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Pinabulaanan ni Nena na sangkot ang kanyang boyfriend sa droga subalit inamin niyang inaresto ito noong 2019 sa paglalaro ng cara y cruz. Kaya lang kinasuhan ito ng illegal drug use at pinasailalim sa community-bsed drug rehabilitation program.

Sinabi ni Calinisan na walang puwang ang mga pulis na tulad ni Maristela sa hanay ng PNP. “Tatapusin natin ang maliligayang araw ni Lt. Ram Maristela, mag-file ka kung ano gusto mo pero alam mo na ang ending mo,” ang galit na tinuran ni Calinisan. Kinondina ni Calinisan ang insidente, na tinawag n’yang “reprehensible, unacceptable, and betrayal of public trust.”

Kasalukuyang nirerepaso ng Inspection, Monitoring, and Investigation Service ng Napolcom ang kasong grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer laban sa mga akusado. Dipugaaa! Alam n’yo na siguro mga kosa kung ano ang kalalabasan ng kasong ito. Ang sakit sa bangs nito! Hehehe! Boss Lloyd bekeeee nemennnn!

Walo sa mga suspects, kabilang na si Maristela, ay inaresto ng mga tauhan ni Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, samantalang apat sa anim na at large ay nagpadala na ng surrender feelers kay PDEG director Brig. Gen. Elmer Ragay. Gets mo kosang Vice Taba? Abangan!

PDEG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with