^

PSN Opinyon

Bagyong ‘Uwan’, zero crimes sa evacuation centers! — PNP

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Iniulat ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na zero crimes sa binabantayan nilang aabot sa 28,008 evacuation centers habang nananalasa ang super typhoon “Uwan” sa Pinas nitong nagdaang mga araw. Ini­utos kasi ni Nartatez na bantayang maigi ang mga evacuation centers at asistihan ang mga residenteng naapektu­han ng bagyo hanggang sa bumalik na sila sa kani-kanilang tahanan.

Sinabi ni DPCR deputy director Brig. Gen. Vina Guzman na bago mag-tanghali kahapon, wala silang natanggap na reports ng looting at iba pang krimen mula sa evacuation centers, kung saan 9,853 nito ay nagamit ng mga apektadong regions. Ayon sa report kay Nartatez, may 1,416,063 katao ang nasa evacuation centers na pinangangalagaan ng mga ahensiya ng gobyerno at LGUs. Para protektahan din ang mga kababaihan at kabataan, sinabi ni Guzman na nagtatalaga rin ang PNP ng Women and Children Protection Center (WCPC) sa mga evacuation centers.

“Napaka importante ang papel ng women’s desk sa mga evacuation centers. As per previous experiences kung nagkaroon ng violence against women, especially trafficking (of women),” ani Guzman. “Mga ganitong pagkakataon ay may mga nananamantala so napakaimportante ang papel ng women’s desks not only to secure ang mga kababaihan at ang mga bata but also to ensure na walang mananaman­tala sa mga vulnerable evacuees,” ang pahayag pa ni Guzman. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan!

Sinabi naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tua?o na aabot sa 21,682 kapulisan ang nai-deploy upang mag-assist sa security at magsagawa ng search ang rescue operations sa apat na rehiyon ng Pinas. Sa katunayan, nakapagsagawa na ng 62 search and rescue at retrieval operations ang PNP kung saan 10,912 katao ang nailikas sa ligtas na lugar. Samantala, maging ang PNP ay naging biktima din ng bagyong Uwan na sumira sa 24 police stations, dalawang headquarters at dalawa ring sasakyan.

Ayon kay Tuaño, may 27 kapulisan at non-uniformed personnel ang apektado din ng bagyo. Araguyyy! Idinagdag pa ni Tuaño na ang pagkilos ng kapulisan ay naka-coordinate sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno para sa isang timely at organized efforts.

“This is a time when unity truly matters. Our police officers on the ground are working hand in hand with local authorities, volunteers, and partner agencies to bring help where it is most needed,” ani Tuaño. “Every act of service, big or small, reflects our shared commitment to protect lives,” aniya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa ulat na nakarating kay Nartatez, ang bagyong “Uwan” ay nag-iwan ng pag-antala ng 176 biyahe ng barko, kung saan 7,868 pasahero ang apektado. Ayon pa sa report, 2,977 kalsada at 35 tulay ang hindi madaanan bunga sa pagbaha at mga nakahambalang natumba na puno ng kahoy. Aabot din sa 3,258 poste ng kuryente ang sinira at nakaapekto sa 209 barangays. Dipugaaa!

Pinuri ni Nartatez ang lahat ng kapulisan nan aka-deploy sa bagyong “Uwan” bunga sa tinugunan nila ang kanilang sinumpaang trabaho kahit may nakaambang peligro. “Our police officers continue to take action to ensure the safety and welfare of our fellow citizens. In times of calamity, the PNP never hesitates to respond to the call of duty,” ayon kay Nartatez. Abangan!

JOSE MELENCIO “TATENG” NARTATEZ JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with