^

PSN Opinyon

Aalma na?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nagpahayag si President Bongbong Marcos Jr. na makikipagtulungan sa China kapag pareho ang interes ng dala­wang bansa pero aalma ito kapag ang soberanya, kara­patan sa soberanya, at hurisdiksyon ng Pilipinas sa South China Sea ay hindi iginalang. Dagdag pa niya, lumalabas na wala talagang galang ang China sa mas maliliit na bansa sa rehiyon at laging binabanggit lamang ang isyu, o takot nila, sa U.S. na hindi raw dapat nakikialam.

Kaya ganundin lang ang mga kilos at aksyon ng China sa Pilipinas, lalo na noong naging Presidente si Marcos. Ilang beses nang nakatanggap ng pangbu-bully at pana­nakot ang ating mga barko at mangingisda mula sa China Coast Guard. Wala na kasi ang kaibigan ng Beijing sa Pa­lasyo kaya ganyan sila kaagresibo at kabastos.

Kasabay nito ang paglayag ng BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG) patungong Philippine Rise para puntahan ang dalawang barko ng China na nagsa­sagawa ng research sa nasabing lugar. Ang Philippine Rise ay saklaw ng 200-nautical mile exclusive economic zone. Walang ibang bansa na katabi ang Pilipinas sa sila­ngang bahagi kaya walang ibang pwedeng umangkin nito.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng dalawang barko ng China sa Philippine Rise at napakalayo na nito sa anu­mang bahagi ng China. Patunay lamang kung gaano kaga­haman ang China na angkinin ang anumang likas na kaya­manang maidudulot ng isang lugar.

Ang masasabi ko lang, kung namataan na noon pa na patungo ang dalawang barkong panuri sa Philippine Rise, sana umaksyon na kaagad ang PCG. Alam ko na kulang na kulang tayo sa kagamitan at tauhan, pero kailangang bantayan ang ating teritoryo.

Alam siguro ng China na hindi nababantayan ang Philip­pine Rise kaya sila nagtungo roon. Ngayong may naglalayag ng barko ng PCG, baka umalis na sila. Mas may tek­no­lo­hiya ang China para makita kung anong barko ang luma­layag saan man sa mundo.

Tama si Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa kanyang pahayag sa China na itigil na ang harassment. Hinikayat na pag-usapan nang mapayapa ang mga isyu at problema sa karagatan, at huwag idaan sa pananakot at pananakit. Pero hindi naman marunong makipag-usap ang China at lahat idadaan sa lakas ng kanilang Coast Guard at militar. Kaya maingay kapag umeeksena ang U.S. sa South China Sea dahil nakahanap sila ng katapat.

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with