^

PSN Opinyon

Ang Slovenia para sa mga OFW!

PINOY OVERSEAS - Ramon Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Isang maliit, mabundok at magubat na bansa sa Europe ang Slovenia na katabi ng Hungary, Croatia, Austria at Italy. Hindi ito gaanong matunog bilang destinasyon ng mga overseas Filipino worker bagaman meron na rin namang iilang Pilipinong naninirahan doon. Makakakita nga sa website ng Department of Migrant Workers ng mga lumang job order na nagpapahiwatig na dati na ring may mga manggagawang Pilipinong naipapadala sa naturang bansa. Habang isinusulat ito, meron nang pinaplanong pag-uusap ang mga kinatawan ng mga pamahalaan ng Pilipinas at Slovenia para sa pagpapadala ng mga OFW sa naturang bansang Europeano.

Gayunman, isa rin ang Slovenia sa mga dayuhang bansa na mapagpipilian ng mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibayong-dagat.  Pero, syempre pa, kailangan munang alamin at saliksikin ang mga trabahong maaaring aplayan doon at depende rin ito sa kuwalipikasyon, kasanayan at kakayahan  ng aplikante.  Tulad ng dati, maaaring sumangguni sa DMW o sa mga lisensiyadong recruitment agencies o sa mga lehitimong ahensiya o institusyon o organisasyon sa Slovenia.

Ayon sa mga website ng VisitWorld, VisitGuide,  Job in the World, Slovenia Tour, The Slovenia,  Britannica at Wikipedia at iba pa,  kabilang sa mga trabahong maaaring pasukan ng mga dayuhan sa Slovenia ang computer programmer, web developer, engineer, doctor, nurse, hotel management, English teacher, chefs, bartend-er, specialists sa banking and finance, at graphic artist pero sa mga interesado, kailangan pa ring magsaliksik dito at magtanong-tanong dahil hindi malayong nagkakaroon ng mga pagbabago sa pangangailangan ng Slovenia sa mga dayuhang manggagawa sa pagdaan ng panahon.

Tulad sa ibang mga dayuhang bansa sa mundo, mahalagang makilala ang Slo-venia  kung balak mong dumayo at magtrabaho roon.

Sinasabing isa sa ligtas na mga bansa sa Europe ang Slovenia.  Madalang ang mga krimen na kalimitan ay pandurukot kaya ang kailangan mo lang pakaingatan ay ang iyong pitaka. Madaling makausap sa Ingles ang mga pulis.

Kahit maraming Slovenian ang nakakapagsalita ng Ingles, kailangan mo pa ring matutuhan ang kanilang sariling wika para ganap na makaangkop at makibagay sa kanilang pamumuhay.  Kumplikado ang Slovene grammar at magkakaproblema ka kung hindi ka pamilyar sa Slavic language.

Wala gaanong pampublikong sasakyan sa Slovenia. Walang pampasaherong jeep, taxi, tricycle o bus doon. Kailangan meron kang kotse para makarating sa malalayong lugar.

Merong mahigit 150 araw na maulan sa Slovenia sa loob ng isang taon. Mabait at matulungin sa mga dayuhan ang mga mamamayan.

Tahimik na mamamayan ang Slovenian. Ayaw nila ng away. Isa nga sa pinakamapayapang bansa sa mundo ang Slovenia.

Kung marunong ka ng salitang Slovenian,  madali kang makakakita ng trabaho at ang klase ng trabaho ay bumabagay sa kakayahan mo sa lengguwahe.

Mahalaga sa Slovenia ang kultura ng palakasan. Maraming Slovenian ang tina-tawag na sportaholics.  Popular doon ang  skiing, hiking, biking, at watersports. Lagi kang makakakita ng mga tao na nagdya-“jogging” sa Tivoli Park sa Ljubljana pagkatapos o bago pumasok sa trabaho, skiing sa Alps kapag winter, o rafting sa Soca River. Madalas din silang maglaro ng football, ice hockey, basketball, handball, at volleyball.

Mahilig mag-alaga ng mga bubuyog ang mga Slovenian. Isang pambansang kayamanan para sa kanila ang pag-aalaga ng mga bubuyog. Sa kanila nagsimula ang pagdiriwang ng World Bee Day tuwing Mayo 20.

Hindi masyadong malakas ang impluwensiya ng relihiyon sa araw-araw na buhay ng mga tao sa Slovenia pero karamihan ay Roman Catholic. Sumusunod ang mga Protestant.  Meron ding mga Muslim, Orthodox Christians at Atheists.

Panglimang pinakamalaking relihiyon sa Slovenia ang Trans-Universal Zombie Church of the Blissful Ringing. Binuo ito noong 2013 bilang protesta laban sa mga katiwalian sa pulitika.  Meron itong 10,000 tagasunod. Simbolo ng kanilang relihiyon ang kampana o batingaw dahil nag-iingay sila sa pagkakalampag ng mga kaldero, kawali at  kampana o kuliling sa harap ng kanilang “templo” kapag nagkakatipon-tipon sila.

Pangunahing holiday sa Slovenia ang Easter at Christmas. Tradisyunal na pagkain ang  iba’t ibang klase ng sausage tulad ng  krvavice (blood sausages); pršut (cured ham), cheeses, at desserts tul;d ng  gibanica na isang layered pastry made with various fillings. Popular ang mga pagkaing gawa sa mushroom.

Merong 50 iba’t bang dialect sa Slovenia na ikinaklasipika sa regional group. Kung minsan, hindi nagkakaintindihan ang mga Slovenian mula sa iba’t ibang rehiyon.  Kabilang sa mga dialects ang Upper Carniolan, Lower Carniolan, Styrian, Pannonian, Carinthian, Littoral, Rovte, at Mixed Kocevje.

Isang aktibong bansa ang Slovenia. May 60 porsiyento ng populasyon ang nag-eehersisyo nang tatlong oras kada linggo. Mas marami ang mga lalake kaysa sa babae.  Matatangkad ang mga tao sa bansang ito.

“The Love One,” ang ibig sabihin ng pangalan ng Ljubljana na kabisera ng Slovenia. Sa buong mundo, ito ang may pinakamaraming kuweba (mahigit 10,000).

Puwede kang magpalipas ng gabi sa isang kulungan sa Ljubljana. Ang Celica Hostel doon ay isang dating political prison na puwede mong tulugan.

Para sa mga ikakasal, paboritong lugar ang isla sa Lake Bled.  Sinasabi sa tradisyon na kailangang buhatin ng groom ang kanyang bride paakyat sa 99 steps ng hagdan  para matiyak ang mahaba at masaya nilang pagsasama bilang mag-asawa.

* * * * * * * * * *

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with