^

PSN Opinyon

Pinakaligtas na bansa sa SEA

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nagbunga ang mahigpit na pagmamatyag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr., sa kilos ng mga kapulisan matapos na itinanghal­ na number three sa pina­kaligtas na bansa sa Southeast Asia batay sa report ng GALLUP Glo­bal Law and Order.

Palakpakan natin ang PNP sa mahusay na pa­mumuno ni Acorda!

Siguradong wala nang hadlang ang pag-promote sa mga opisyal ng PNP dahil sa magandang report sa peace and order sa bansa. Maliwanag na nagtatrabaho ang PNP para bigyang proteksiyon hindi lamang ang mamamayang Pilipino kundi maging sa mga turista o mga dayuhan na nagtutungo rito sa bansa.

Magandang accom­plishment ito sa 227,000- strong PNP sapagkat sa nakaraang administrasyon, puro indulto at semplang ang inabot ng mga pulis lalo sa kampanya laban sa droga kaya puro kapintasan ang inabot. Maraming paglabag sa karapatang pantao kaya nag-iimbestiga ang International Criminal Court na pilit namang hinahadlangang makapasok sa bansa. Pero may balita ako na nakapasok na ang ICC at nakalabas na rin. Nakapag-imbestiga na kaya agad ang ICC?

Sa pagiging number 3 sa pinakaligtas na bansa, sinabi ni Acorda, “This accolade serves as a testament to the unwavering dedication of our law enforcement agencies and the collective vigilance and cooperation of our fellow Filipinos. I would like to express my sincere appreciation for the continuous support, cooperation, trust, and confidence bes­towed upon the PNP. This remarkable achievement would not have been possible without the invaluable contributions of each individual involved.”

Sa palagay ko, malaki talaga ang ibinaba ng kri­men ngayong buwan na ito at patunay ang ma­aayos at payapang selebrasyon ng Itim na Nazareno na nabantayan ng Manila Po­lice Disrict. Milyong tao ang dumagsa sa traslacion mula Qurino Grandstand hanggang sa pagbalik nito sa Quiapo. Naging mabilis din ang prusisyon nga­yong taon na inabot ng 12 oras dati ay 20 oras o inaabot ng madaling araw.

Naging maayos ang pamamahala ni MPD director Col. Arnold Tomas­ Ibay kaya naging tagum­pay ang traslacion 2024. Walang naiulat na namatay o kaguluhan habang isinasagawa ang prusisyon.

Ang pinagtutuunan naman ngayon ng pansin ng PNP ay ang seguridad sa kapistahan ng Santo Niño sa Cebu at ganundin sa mga kapistahan sa Aklan at Iloilo. Siguradong da­dagsain ng mga Pinoy at dayuhan ang mga pagdiriwang sa mga nabanggit na probinsiya. Tinitiyak ng PNP ang maayos at matiwasay na pagdiriwang.

May katwiran lang talaga na ma-extend ang termino ni Acorda dahil napanatili nito ang pagi­ging ligtas ng Pilipinas at number three nga sa Southeast Asia. Sana magtuluy-tuloy ang pagiging ligtas ng Pinas.

Kaya lang, sa kabila ng pagsisikap ni Acorda, sandamakmak pa rin ang mga bugok na pulis­. Noong nakaraang linggo, maraming pulis ang sinibak sa puwesto at iniha­yag mismo ito ni President BBM. Pawang sangkot sa illegal drugs ang mga pulis na sinibak. Dapat lang sibakin ang mga pulis na sangkot sa drugs dahil sila ang nagwawasak sa imahe ng PNP.

vuukle comment

GALLUP

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with