^

PSN Opinyon

Pagkanlong sa Afghan refugees

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN, nagpahayag ako ng pagpabor sa pakisuyo ng Estados Unidos na kanlungin ng Pilipinas ang mga Afghan citizens na tumatakas mula sa nagkakagulo nilang bansa. Ginawa na kasi natin ito noon nang tinanggap ni Presidente Quezon ang mga Hudyo mula sa Germany na tinatakasan ang kalupitan ng diktador na si Adolf Hitler. Ma­gugunita na naglunsad ng malawakang pagpatay sa mga Hudyo si Hitler dahil sa anti-semitic policy ng kanyang dikta­durya.

Nang magkagulo sa Vietnam, tinanggap din natin ang mga Vietnamese na naglayag upang iwasan ang digmaan sa kanilang bansa. Kasi, kung tayo ang nasa sitwasyon ng mga taong ito, malamang ay hahanap din tayo ng bansang masisilungan pansamantala habang may unos ng digmaan sa ating bansa. Sana naman, hindi mangyari sa atin ito.

Ang pagtanggap ng refugees ay isang patunay na nagmamahal tayo sa ating kapwa, anumang lahi sila. Pero kaugnay ng mga Afghan refugees, mukhang malabong ma­bigyan sila ng pansamantalang matitirhan sa ating bansa. Ayon kay Presidente Marcos, ito ay malalimang pinag-iisipan pa dahil ito’y isang usaping kumplikado. Tutal, hindi naman daw nagbigay ng deadline ang U.S. kung kailan siya dapat magdesisyon.

Ang malaking katanungan lang ay ano ang magiging reaksiyon ng U.S. sakaling hindi ito pagbigyan ng Pilipinas gayung nahirati ito noon pang araw na lagi tayong oo lang ng oo sa mga kahilingan nito? Sa isang banda, mukhang maganda nga kung matututo tayong humindi para hindi tayo ituring na puppet na puwedeng manipulahin.

Sa himig ng pananalita ng presidente, tila ang dulong-kahulugan nito ay hindi tayo tatanggap ng Afghan refugees. Katwiran niya, ito’y may halong pulitika at seguridad. May reputasyon nga naman ang Afghanistan na pinagmumulan ng mga terorista. Papaano kung sa mga tatanggaping refugees ay may makalusot na alagad ng Al Qaeda na maghahasik ng lagim sa bansa?

Sa isang banda, may sentido ang sinabi ni Marcos. Komo siya ang presidente, desisyon niya ang dapat mangibabaw. Kung magkamali siya ng desisyon at magkaroon ng mabigat na repercussion sa bansa, walang ibang mananagot kundi siya.  Ang sa akin naman ay opinion ko lang bilang mamamahayag.

 

vuukle comment

AFGHAN REFUGEES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with