^

PSN Opinyon

Parada ng lechon sa La Loma

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

KULANG ang anumang pagdiriwang—maging birthday, graduation, anniversary o binyag man—kapag walang lechon sa sentro ng hapag-kainan.

Ibang ligaya kasi ang nararamdaman kapag mayroong lechon na malinamnam ang laman at napakalutong ng balat sa mga handaan.

Lubos din naming ipinagmamalaki na dito sa Quezon City makikita ang La Loma, na kilala bilang “Lechon Capital of the Philippines”.

Dito sa La Loma, ang star ng mga handaan ng pamil­yang Pilipino ay ibinibida tuwing ipinagdiriwang ang Lechon Festival.

Tuwing ikatlong linggo ng Mayo mula nang simulan natin ang tradisyong ito noong 2000, nababalot ng amoy at tanawin ng napakaraming litsong baboy ang kaha­baan ng La Loma.

Sa pangunguna noon ng dating pangulo ng La Loma Lechoneros Association (LLA) na si Monchie Ferreros ng Monchie’s Lechon, ginawa ang kauna-unahang Parada ng mga Lechon.

Sa panahon ng aking ama na si dating Mayor Feliciano ‘‘Sonny” Belmonte noong 2002, unang nakatanggap ng buong suporta ang nasabing event sa pamamagitan ng City Ordinance 1221-2002.

Noong 2020, opisyal na idineklara ang La Loma District bilang isa sa Tourism Districts ng Quezon City para ma­pondohan ang pagdiriwang, mas makaakit ng mga turista at mas mapalakas ang aktibidad ng ekonomiya nito.

Sa kasamaang-palad, pansamantalang natigil ang Lechon­ Festival sa nakalipas na dalawang taon nang mangyari ang pandemya noong 2020. Ngunit ngayong maluwag na ang restrictions, minabuti nating ibalik ito nang mas makulay, mas masaya at mas bongga.

Sa tulong ng tanggapan ni District 1 Rep. Arjo Atayde, QC Tourism Department at LLA, nabuhay ang sari-saring aktibidad kaugnay ng nasabing pagdiriwang nitong Linggo.

Tulad ng mga nakaraang selebrasyon, nagbigay ng saya ang parada ng mga lechon na may suot na iba’t ibang makulay na costume.

Nakasakay ang mga lechon sa mga sasakyan na may sari-saring tema, mula sa sports, telebisyon at pelikula.

Itinampok din sa Lechon Festival ang iba’t ibang putahe mula sa lechon. Nag-perform din sa event ang symphonic band ng siyudad na talaga namang pinalakpakan ng QCitizens.

Kasabay ng pagdiriwang ang pista ng Nuestra Senora de Salvacion, ang Patron ng La Loma.

Ngayong balik na sa normal ang lahat, asahan na ang tuluy-tuloy na pagdiriwang ng Lechon Festival taun-taon. Sa tulong nito, mas bubuhayin pa natin ang lokal na turismo ng Quezon City at mas payayabungin ang mga negosyo sa lugar.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with