^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PAF modernization kailangan na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - PAF modernization kailangan na

Panahon na para imodernisa ang Philippine Air Force (PAF). Ngayong walang tigil ang unti-unting pag-angkin ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea nararapat nang magkaroon ng mga modernong eroplano para may depensa ang bansa sa anumang biglaang pag-atake. Posibleng mangyari ang mga senaryo ng pagsalakay lalo pa nga at hindi na umaalis ang mga barko ng China sa mga teritoryong ari ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, nasa 30 barko ng China ang nakahimpil sa malapit sa Pag-asa Island. Nakikita at naririnig umano ng mga residente ng Pag-asa ang tila dagundong ng putok na nanggagaling sa mga barko. Pati mga batang mag-aaral ay nahihinkutan sa nakikitang mga barko ng China.

Ang pagmomodernisa ng PAF ay suportado ni President Ferdinand Marcos Jr. Nang magsalita siya sa mga miyembro ng PAF sa Clark, Pampanga no­ong­ Biyernes, sinabi ng Presidente na seryoso ang pamahalaan sa upgrading ng PAF lalo pa at may namumuong tensiyon sa WPS. Nahaharap umano ang bansa sa kumplikadong sitwasyon sa WPS kaya nararapat ang modernisasyon ng PAF. Ang PAF ayon sa Presidente ang first line of defense ng bansa.

Ipatupad na sa lalong madaling panahon ang PAF modernization. Nararapat nang palitan ang iilan at lumang eroplano na walang match sa eroplano ng China. Nararapat nang igarahe ang mga lumang eroplano na wala nang silbi at maaari pang magdulot sa pagkamatay ng mga Piloto.

Noong nakaraang Enero, dalawang piloto ng PAF ang nagbuwis ng buhay makaraang bumagsak­ ang kanilang eroplano (SF260) sa isang palayan­ sa Ba­taan. Ang mga piloto ay sina Captains­ Ian Gerru Pasinos­ at Jhon Paulo Aviso. Ayon sa taga­pagsalita­ ng PAF, pa­balik na sa kanilang base ang eroplano nang maganap ang aksidente. Ang PAF ay may apat na SF260 plane na binili noong 1990. Dahil sa aksidente, ang tatlong natitirang eroplano ay hindi na pinapayagang makalipad.

Nararapat lamang ang desisyon na huwag nang paliparin pa ang mga natitirang SF260 planes. Hindi na dapat dagdagan ang masasayang na buhay dahil sa kakulangan ng mekanismo.

Maging prayoridad ng PAF ang pagmodernisa sa kanilang hanay. Sa lahat ng sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang PAF ang tila na­pag-iiwanan. Sikapin na magkaroon ng mga bagong eroplano ang PAF para may pantapat sa mga mang-aagaw ng soberanya ng bansa.

vuukle comment

PAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with