^

PSN Opinyon

Mga benepisyo sa pagkain ng gulay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY mga nagsasabi na dapat daw umiwas sa ilang klase ng gulay kapag may high blood. Wala po itong katotohanan. Ang high blood pressure ay puwedeng makuha sa sobrang alat ng pagkain at pagtaas ng kolesterol. Ang gulay ay nagpapababa ng kolesterol kaya makatutulong ito sa may high blood. Hindi pareho ang kulang sa dugo (anemia) at presyon ng dugo. Ang gulay ay makatutulong din sa anemia dahil sa sangkap nitong iron.

Ang repolyo, kamoteng kahoy at broccoli ay hindi bawal sa may goiter. Nagkakaroon ng goiter dahil sa kakulangan sa iodine. Nakukuha ang iodine sa seafoods at iodized salt. Pero siyempre dapat balanse ang diyeta at sari-saring gulay ang kainin. Linisin at lutuin ang gulay bago kainin.

Narito ang mga benepisyo sa pagkain ng gulay:

1. Para kumpleto sa bitamina – Ilan sa mga masustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote. Sagana ito sa vitamins, minerals at iba pang healthy na sangkap.

2. Panlaban sa sakit – Ang gulay ay maganda ring panlaban sa sakit tulad ng sakit sa puso, high blood pressure, diabetes, at sakit sa tiyan.

3. Makaiiwas sa kanser – Ayon sa pagsusuri, ang pagkain ng sapat na gulay at prutas araw-araw ay makababawas sa pagkakaroon ng kanser ng 3 to 10%. Makatutulong ang gulay sa pag-iwas sa colon cancer, breast cancer at marami pang cancer.

4. Para maging regular ang pagdumi – Malaki ang tulong ng gulay sa ating tiyan at bituka. Mataas ito sa fiber na parang nagsisilbing walis na lumilinis sa ating bituka. Bawasan ang pagkain ng karne at taba na kulang sa fiber.

5. Panlaban sa stress – Ang gulay ay mataas sa vitamin B, na makatutulong sa ating ugat (nerves) at makababawas sa stress.

6. Para manatiling bata at malusog ang katawan – Ang pagkain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas bawat araw ang rekomendasyon ng mga eksperto.

Sa mga ayaw kumain ng gulay, ano naman po ang balak n’yong kainin? Karneng baboy o baka ba? Pritong pork chop, litson at pata? Napakataas niyan sa kolesterol at puwedeng magdulot ng atake sa puso at stroke.

Ang mga taong mahilig sa gulay ay mas humahaba ang buhay. Gulay at prutas ang sadyang ginawa ng Diyos para kainin ng tao.

vuukle comment

DR. WILLIE T. ONG

HIGH BLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with