^

PSN Opinyon

Mga putaheng nagbabago

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Saluduhan ang umimbento ng pancit miki-bihon na ang topping ay crispy pata. Gayundin sa lumikha ng paella na ang sahog ay sisig. At sa nagpasimuno ng spaghetti na tuyong isda at sherbet na tinapa flavor. Mga totoong Pilipinong sangkap na inihalo sa dayuhang lutuin.

Isa sa pinaka-mainit na debate sa America ay hindi sa pulitika o kabuhayan. ‘Yon ay kung tama ba na ang pizza ay patungan ng matamis na pinya. Bakit hindi, anang mga mahilig sa fusion cuisine. Mali ‘yan, anang mga purista na nagsasabing ang pizza ay Italian at wala namang pinya sa Italy. Anim na dekada na ang debate. Wala pa ring nare­resolba.

Greek, hindi Hawaiian, ang umimbento ng Hawaiian Pizza. Malakas ang loob at palabiro si Sam Panopoulos, restaurateur sa Ontario. Edad-20 siya nang mag-emigrate sa Canada. Gumagawa siya ng pizza isang araw nu’ng 1962 nang maisip niyang isangkap ang de-latang pinya na pang-dessert. Biglang sikat ang inobasyon, na dinagdagan ng hamon na pangunahing produkto ng Canada. Kumalat sa United States na exporter ng pinya, at sinangkap ang hotdog, hamburger, pati fried eggs.

Dahil sa mainitang mga pagtatalo tungkol sa Hawaiian­ Pizza, ginawa itong ehemplo ng US government nu’ng 2020 kung gaano kadali gamitin ang Internet para mag­hasik ng fake news, paghahati-hati, kakitiran ng pag-iisip, at poot sa mga may ibang pananaw o panlasa.

Lahat ng putahe sa mundo ay nag-e-evolve, nagba­bago. Unang inimbento ng sinaunang Romano ang hamon-negra na nangingitim dahil tadtad sa asin; naging mas sikat ngayon sa Spain. Mula sa mga sundalo ni Mongolian Genghis Khan ang burong repolyo, ngayo’y sauerkraut ng Germany. Nagmula ang halo-halo sa Thailand; pinerpekto ng Pilipino.

Kanya-kanyang hilig: patis sa Portuguese pochero, bagoong sa Peking duck, sukang pinakurat sa French onion soup, siling labuyo sa imported ice cream, at lechon sauce sa kahit anong pinirito.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

HAWAIIAN PIZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with