^

PSN Opinyon

Nakakapanibagong normal ang dulot ng coronavirus

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Gamit na gamit ang limang pandama sa simpleng buhay. Paningin ang pang-alam ng magsasaka kung hinog na ang palay, at ng mangingisda kung ligtas lumayag sa dagat. Sa mata nalalaman ng bata kung puwedeng tuma­wid ng kalye, at ng tsuper kung kailangang magmenor o magpreno.

Pang-amoy ang pantiyak ng namimili kung matamis ang prutas, at ng maybahay kung panis ang pagkain. Ang pintor nalalaman sa amoy kung panis ang pintura, at ang bumbero kung anong klaseng sunog – kahoy, kemi­kal, kur­yente – ang hinaharap. Hindi kuntento sina lolo’t lola sa paghaplos sa apo; kailangang langhapin ang amoy araw at pawis!

Panlasa ang pantantiya ng nagluluto kung sapat ang timpla, at ng kumakain kung lalantakan pa ang ulam. Ka­kambal ng panlasa ang pang-amoy. Kapag sinabing lasang karton o lasang ipis ang isang bagay, hindi ibig sabihi’y kumakain ng karton o ipis ang umaangal; naa­amoy niya ang mga ‘yon kaya nalalasahan.

Pandinig – ng tibok ng puso ng ina – ang pampakalma sa sanggol. Tenga ang pandama sa dilim kung umuulan, may sasakyan o ibang tao.

Sa pangsalat alam mo kung velvet o seda ang tela. Tinatapik ang pakwan o niyog kung malaman; pinipisil ang tinapay o isda kung sariwa. Kumakalabit para mapansin; kumukurot para manggigil.

Ginulo lahat ito ng coronavirus. Sintomas ng impeksiyon ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa. Iwasang hawakan ang mata, ilong at bibig dahil doon pumapasok sa katawan ang virus. Sagabal ang goggles, facemask at face shield sa paningin, pang-amoy at panlasa. Kaila­ngang talasan ang pandinig kung may masyadong malapit mula sa gilid o likod. Huwag kumamay; siko sa siko na lang. Huwag pumindot ng buton sa elevator o kumapit sa hawakan sa escalator; sundutin na lang ng ballpen, magsuot ng guwantes, at maghugas ng kamay.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

GAMIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with