^

PSN Opinyon

Mga imbensiyong dulot ng pangmundong krisis

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ang pagsabog ng Bulkang Tambora sa Indonesia nu’ng Abril 1815 ang isa sa pinaka-malakas na naitala sa kasay­sayan. Binalot ng itim na abo at alikabok ang kalangitan sa buong mundo, kaya naharangan ang sinag ng araw at bumagsak ang temperatura. Sa China pinatay ng lamig ang mga gubat, pananim at pastol. Sa North America pu­mula ang ulap at nag-snow sa tag-init. Nag-riots at dambungan ng pagkain sa Europe nang nawasak ang ani. Sampu-sampung-libong tao ang namatay sa gutom at sakit. Namatay din ang mga kabayo nang kainin na ng tao ang oats nila.

Ang pagkaubos ng kabayo ang nagbunsod kay Karl von Drais ng Germany na mag-imbento ng pamalit na personal na transportasyon, ulat ng magasin na “1843”. Dalawa ang gulong ng makinang kahoy. Mula sa upuan sumisipa sa lupa ang nakasakay tuwing ilang metro, sabay konting tulak at giya sa hawakang araro. Naipakita ni Drais sa publiko na sa pag-andar nang 40 milya sa loob ng apat na oras, kasing bilis ito ng kabayo. Kung pababa mas mabilis pero wala nang sikad, basta praktisado buma­lanse ang gumagamit.

Hindi napalitan ng kontrapsiyon ang kabayo, anang “1843”. Nag-normal ang klima at sumagana ang ani nu’ng 1817. Pero maraming gumagamit ang nagpabuti pa sa sasakyan. Malaking bagay nang kabitan ito ng mga pedal sa France nu’ng 1860. Sa sumunod na dalawang dekada nadagdag pa ang preno, bakal na frame, magaan na gulong, at kadena. Mula sa pagkinis na disenyo ang moder­nong bisikleta – at motorsiklo.

Limot na ng mundo ang sakuna makalipas ang 200 taon. Pero ngayong pangmundong pandemya ng COVID-19, dahil pinakonti ng physical distancing ang mass transport, gamit na gamit ang motorsiklo.

Ano namang imbensiyon ang ibubunsod ng kasalu­kuyang krisis, tanong ng “1843”. May sagot diyan ang Pilipinas, kung saan inobliga ang shield at katu­nayan ng kasal ng magkaangkas. Aba’y nakaipit sa plexi-glass separator ang marriage license at wedding photos. O ‘di ba?

vuukle comment

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with