^

PSN Opinyon

Ang international airports sa Luzon

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

Binigyan ng 72-hour window ultimatum ang mga Inter­national airports sa Luzon upang mapaunlakan ang mga foreigners na lumabas ng Philippines my Philippines pagkatapos ang lahat ng mga gateway mula sa mainland ay isasara.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang utos ay galing sa DoTr na ang mga going abroad na mga pasahero ay pinapayagan para lumipad palabas ng Philippines my Philippines sa loob ng 72 oras dahil sa pagpapalabas ng enhanced community quarantine.

Sabi nga, para huwag silang maipit at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19!

Pagkatapos ng nasabing ultimatum ang lahat ng pali­paran sa Luzon ay isasara na.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tanging madlang Pinoy passengers ang papayagang makapasok sa paliparan sa Luzon, habang ang ilang mga dayuhan ay exempted, napapailalim sa mga kon­disyon.

Kambiyo issue, nananawagan muli ang pamunuan ng MIAA sa lahat ng mga international passengers na huwag ng pumunta sa NAIA maliban kung sila ay may ticketed reservations o may confirmed booking sa isang flight.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napansin ni MIAA general manager Ed Monreal, na ang malaking bilang ng mga pasahero na hindi kumpirmado ang ticket / bookings ay pumupunta pa rin sa NAIA at nag­babakasakaling makasakay ang mga ito ng flight.

Ang pagdagsa ng mga change passengers sa NAIA ang dahilan ng pagsisikip sa loob ng NAIA terminals dahil dito ay nababalewala lamang ang ‘social distancing measures’ na ipinatutupad ng gobierno sa pagsusumikap nito upang ihinto ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Inatasan ni Monreal, ang mga security opisyal na nag­babantay sa mga entrance gates ng NAIA terminals na tignan mabuti o i-double check ang airline ticket ng pasahero bago payagan makapasok sa loob ng terminal kung may flight sila noong araw na iyon.

vuukle comment

ORA MISMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with