^

PSN Opinyon

Pagrebisa sa kasaysayan: Mabibigo ang sabwatan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ITINANGHAL nu’ng Enero 29 sa U.P. Film Center at sa Cultural Center of the Philippines ang documentary “The Kingmaker”. Bisperas nu’n ng ika-50 taong anibersaryo ng First Quarter Storm of 1970. Enero 30, 1970, nu’ng, sa indignation rally sa Malacañang dahil sa pagpatay ng riot police sa tatlong demonstrador nu’ng naunang linggo, unang­ sumigaw ang mga radikal na kabataan: “Ibagsak ang imper­yalismo! Ibagsak ang piyudalismo!

Ibagsak ang burokrata-kapita­lismo! Durugin ang pasismo!” Makalipas ang kalahating siglo isyu pa rin ang pambubusabos ng dayu­­han sa Pilipinas. Bagong anyo ng piyudalismo ang political dynasties -- mga aristokrata -- sa bawat siyudad at probinsiya. Nanatili ang lumang oligarkiya. At nanunum­balik ang authoritarian rule.

Si Imelda Romualdez Marcos ang tinuturing na “Kingmaker”. Sinulat at dinirek ni Lauren Greenfield, binalikan ang pag-angat sa pulitika ng dating First Lady. Bakit “Kingmaker”? Nagawa ni Imelda na Presidente ang asawang Fer­dinand Marcos, at muntik nang maging VP ang anak na si Ferdinand­ “Bongbong” Jr. At nag-asal reyna siya ng Pilipinas, 1965-1986, sa karangyaan.

Halimbawa ng paghahari-hari: pinalayas nila ang mga katutubo sa Calauit, Palawan, para la­ma­nan ang isla ng mga giraffe, zebra at gazelles mula Africa na pinagpapraktisan nilang mag-hunting.

Sa bersiyon ni Imelda, ina siya ng mundo sa kabutihan at kagandahan. Pero isiniwalat ng mga ibang in-interview sa docu ang kasakiman at sigalot na idinulot niya sa bayan­. Paulit-ulit siya na wala siya ni isang kusing na kinu­limbat. Pero sa isang bahagi ibinida niya na meron siyang 167 bank accounts.

Naglalaman ‘yon ng $30 bilyon, kaya tinutugis ng ilang natitirang matanda nang aktibista na lumahok sa FQS-1970. Mahigit 35,000 ang ikinulong sa martial law nina Marcos, at 3,000 ang pinatay. Sinisikap ni Imelda baguhin ang kasaysayan at baluktutin ang katotohanan. ‘Yan ay bagamat pinatalsik sila ng People Power Revolt ng Peb. 22-25, 1986, 34 na taon na ang lumipas.

vuukle comment

THE KINGMAKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with