^

PSN Opinyon

Nakalusot sa kalaboso (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs Act) o paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ay madalas na ginagawa ng patago. Kung kaya iba’t ibang paraan na ang ginagawa ng mga pulis para mahuli sa akto ang mga kriminal sa pamamagitan ng tinatawag na “buy-bust operations”. Para siguraduhin ang integridad ng droga na nakumpiska ay may proseso na ipinapatupad. Ang nakum­piskang droga ay gagawan ng imbentaryo at kukunan ng litrato sa harap ng akusado at kanyang abogado, isang kinatawan ng media, isang kinatawan ng Department of Justice (DOJ) at isang opisyal ng barangay na pipirma sa imbentaryo at bibigyan ng kopya. Ang prosesong ito ang ipinaliliwanag sa kaso ni Laura.

Kinasuhan si Laura ng paglabag sa RA 9165, Sec. 5 at Sec. 11 para sa pagbebenta, pagtatago at pagdadala ng 0.08 gramo ng shabu at para sa hawak niyang isang pakete na 0.14 gramo ng shabu. Nag-ugat ang kaso sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga pulis sa siyudad kung saan nakatira sina Laura at ang kanyang asawang si John.

Ayon sa mga testigo ng prosekusyon na puro pulis na kasama sa operasyon, isang impormante ang nag-ulat sa kanilang tanggapan na naglalako ng droga sa kanilang barangay si Laura at ang asawa nito. Base sa impormasyong natanggap, bumuo ang hepe ng isang grupo na magsasa­gawa ng buy-bust operation kasama ang mga taga Phi­lip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA). Si PO2 Roger ang inutusan na maging poseur buyer na kunwari ay bibili ng droga at binigyan ng markadong P500.

Nang dumating ang grupo sa lugar, sabay na lumapit si PO2 Roger at ang impormante kay Laura na noon ay nakatambay lang sa gilid ng kalsada. Sumenyas si PO2 Roger sa kanyang mga kasama na nakapuwesto sa iba’t ibang sulok para malaman nila na nakilala na niya ang target. Ibinigay niya ang markadong pera kay Laura para kunwari ay bumili ng shabu. Dumukot naman si Laura ng pakete ng shabu sa kanyang wallet. Pagkatapos ng hudyat na natapos na ang bentahan ng droga ay agad na lumapit sa kanila ang mga back-up na pulis sa pangunguna ni PO2 Benny at umalalay kay PO2 Roger sa pag-aresto kay Laura. Nakuha mula kay Laura ang markadong pera, isang pakete ng hinihinalang shabu at isang lighter. Dahil sa dami ng miron na dumadating para mag-usyoso, napilitan ang mga pulis na gawin ang imbentaryo sa pinakamalapit na barangay hall. Pero pagkatapos ng limang oras at walang dumating na opisyal ng barangay, napilitan sila na lumipat sa ibang barangay. Ang pagmamarka at imbentaryo ng droga ay ginawa sa harap ni Laura at ng kapitan ng barangay. Kinuhanan din ang lahat ng nangyari habang ginagawa ang imbentaryo.

Pagkatapos nito ay dumiretso na ang grupo sa istasyon ng pulis at inilagak ang kustodiya ni Laura at mga nasamsam na droga/pera sa imbestigador na si PO3 Cornelio na gumagawa ng kaukulang sulat para sa crime laboratory upang kumpirmahin na shabu nga ang nakuha nila. Si Senior Police Inspector Randy naman ang gumawa ng eksaminasyon at kinumpirma na droga nga ang laman ng mga paketeng nakuha kay Laura na minarkahan bilang “RAG” at “RAG-1” at may bigat na 0.08 gramo at 0.14 gramo. (Itutuloy)

DANGEROUS DRUGS ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with