^

PSN Opinyon

Aksidente lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na si President Duterte hinggil sa insidente sa Recto Bank kung saan binangga ng barkong pangisda ng China ang bangka ng mga Pilipinong mangingisda. Ayon sa mga mangingisda, lumubog ang kanilang bangka at iniwan ng mga Chinese sabay patay ng ilaw. Isang “little maritime accident” ang tingin ni Duterte sa aksidente. May patutsada pa sa mga pulitikong bobo umano at pinalalaki lang ang isyu. Hintayin daw ang panig ng China at karapatan nila ito.

Halos pareho sa unang pahayag ng Chinese foreign ministry ang pahayag ni Duterte na “ordinary maritime accident” at hindi raw dapat pinupulitiko ng Pilipinas ang insidente. Pero pinabulaanan na ng mga imahe mula sa satellite ang kanilang kuwento na may pito o walong Pilipinong bangka ang pinaligiran ang barkong 42212 ng China. Iilan lang daw ang mga barko sa Recto Bank nang mangyari ang sinasabi nilang “pinaligiran sila”. Pero ang isyu ay ang pag-iwan sa kanila ng mga Chinese. Bakit sila iniwan kung nangangaila­ngan sila ng tulong, na kinailangan nilang masagip? At sino naman ang maniniwala na mga Pilipinong mangingisda pa ang maninindak sa mga Chinese na mangingisda?      

Nagsalita si Vice Adm. Robert Empedrad ng Philippine Navy na hindi “normal maritime accident” ang pagbangga sa F/B Gem Ver 1, lalo na kung lalabas sa imbestigasyon na sinadya silang banggain. Iginigiit nga ng Philippine Navy na sadya silang binangga. Bakit nga naman sila iniwan ng barkong pangisda ng China kung aksidente lang ang naganap? Hindi na matutuloy ang miting ng kapitan ng lumubog na barko at ni President Duterte dahil kinansela ng Palasyo ang miting. Bakit kaya?

Makikita na ayaw lubusang kondenahin ng Palasyo parti­kular ni Duterte ang China. Ilang araw din ang lumipas bago siya nagsalita. Hindi natin narinig ang kanyang karaniwang pananalita tulad ng pagbabatikos at pagmumura sa UN, US pati sa Canada. Binantaan pa nga ang Canada ng digmaan kung hindi babawiin ang basura nila. Narinig natin ang insulto niya sa mga pulitikong pinalalaki umano ang isyu. Pero sa China, walang masabi. Ano kaya ang nararamdaman ng mga mangingisda natin, lalo na matapos ang pahayag ni Energy Sec. Cusi na mas malaki dapat ang danyos sa barko kung sinadya ang pagbangga? Tila ang paniniwala ay aksidente lang, tulad ng pahayag ng China at ni Duterte. Si bagong halal na senador Bong Go ang nagpahayag naman na kailangang malaman kung may katwiran ang mga Chinese fishermen na iwanan ang lumubog na barko at mga tauhan nito. Katwiran? May posibilidad ba na kasalanan pa ng mga Pilipino, kaya may katwiran ang mga Chinese na iwanan sila sa dagat? “Parang bale-wala lang po yung pagbangga sa amin”, ayon sa kapitan ng binanggang bangka. Kawawa naman sila.

vuukle comment

PINOY FISHERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with