^

PSN Opinyon

Free lunch sa elem students sa Pasay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

LIBRENG tanghalian para sa elementary students ang pangunahing programa ni Pasay City Councilor Moti Arceo­. Lubos ang paniwala ni Konsehal Moti na ang kabataan ang pag-asa ng ating bansa. Ayon pa kay Konsehal Moti, mag-aakda siya ng ordinansa para masiguro na kakain nang masustansiyang pananghalian ang mga bata. “Karamihan sa public schools namin ay mahihirap­ na bata, na ang baon kadalasan ay isang pirasong tina­pay lamang. Paano made-develop ang mga katawan at utak nila kung kulang sa sustansiya ang kinakain? Ang pananghalian pa naman ang pinakamahalaga sa mga murang katawan at kaisipan ng mga kabataan upang maging malakas at maging alerto ang kanilang kaisipan­ sa maghapon. Kaya ang pagkalinga at pagtugon sa pa­nganga­ilangan ng mga kabataan ng Pasay ay isang pra­yoridad kay Konsehal Moti Arceo.

Kamakailan namigay si Konsehal Moti ng 700 bicycles­ na pambata sa mga mahihirap na pamilya sa Pasay upang magkaroon ang mga ito ng ehersisyo at siyem­pre kaligayahan na rin sa mga mahihirap na bata na hindi kayang ibili ng kanilang mga magulang dahil sa kahirapan­. “Dalawang trak ng school bags at lunch boxes ang darating para sa mga batang estudyante ng Pasay na magagamit nila sa pag-aaral,”sabi ni Konsehal Moti. Maganda at mga bago ang mga idea ni Konsehal Moti. Oras na palarin siya sa darating na eleksiyon ay uunahin niyang ipanukala ang may kaugnayan sa mga kabataan at para na rin sa mga residente ng Pasay. Maraming gustong gawing pagbabago si Konsehal Moti. Kung sabagay hindi na ito bago para kay Konsehal Moti dahil naka-pitong termino na siyang public servant sa mga taga-Pasay. Ni minsan, hindi pa siya natalo sa pagka konsehal. Minahal na rin ng mga taga-Pasay si Konsehal Moti dahil sa pagbibigay ng serbisyo sa lungsod.

Kaya nung minsan na iniugnay siya sa ilegal na droga ng mga naiinggit sa kanya, natawa na lang ang mga residente ng Pasay. Pati ang Pasay City police chief na si S/Supt. Noel Flores ay natawa rin nang itanong ko kung si Konsehal Moti nga ay nasa drug list. Sagot ni Flores. “Wala ang pangalan ni Konsehal Moti sa drug list ng Pasay. Marahil, maraming politiko ang napapraning at naiingit sa popularidad ni Konsehal Moti, kaya ginagawaan siya ng intriga.

“Napatunayan na kasi ni Konsehal Moti kung gaano siya kamahal ng mga taga-Pasay nang siya ang nahalal bilang number 1 na konsehal sa siyudad. E talaga namang mamahalin ng mga tao si Konsehal Moti. Bukod sa kanyang opisina sa City Hall, may tanggapan din siya para sa mga taong nangangailangan ng tulong, sa kanyang bahay. Tuwing umaga, makikita ang dami ng mga taong nasa bahay niya upang humingi ng iba’t ibang klaseng tulong  na hindi naman binibigo ni Konsehal Moti. Kapag may kalamidad o may nasunugan sa Pasay laging nangunguna si Konsehal Moti sa pagbibigay ng mga pagkain, damit at relief goods para sa mga nabiktima. Sa darating na eleksyon, kayo na ang humusga kay Konsehal Moti nang maipagpatuloy nito ang mga programang akma sa pangangailangan ng mga taga-Pasay.

vuukle comment

ELEMENTARY STUDENTS

MOTI ARCEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with