^

PSN Opinyon

Mga hubad na larawan ni misis, ikinalat ng manyakis

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA pamamagitan ng teknolohiya at internet, madali na lang ang makipagkilala at makipag-usap sa kahit kaninong tao saan mang sulok ng mundo. Kaya paulit-ulit na paalala ng otoridad, mag-ingat sa mga kawatan at ma­pagsamantalang tao.

Bukod sa online scam, online threat at identity theft, kalimitang reklamo na natatanggap ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ay ang pagpapakalat ng mga hubad na larawan at video o ang anti-photo and video voyeurism.

Isa si “Ana’’ sa libu-libong biktima ng kababuyang ito. Mula Iloilo, nagsadya siya at kanyang asawa sa aming tanggapan para magreklamo. Kuwento niya, isang lalaki ang nakilala niya dahil sa larong Clash of Clans (COC). Naging magkaibigan sila at kalaunan naging magkasintahan pa.

Video chat ang naging komunikasyon ng dalawa dahil malayo sila sa isa’t isa. Hanggang sa ang kanilang long distance relationship, umabot na sa sukdulan. Nagpalitan ng mga hubad na larawan at kung anu-ano pang kababuyan.

Pero si Misis, tila nakonsensiya. Umamin ng kasalanan kay Mister at sobrang nagsisi sa pagkakamali. Sa kabaitan naman ni mister, agad niya rin itong pinatawad. Problema, ayaw pumayag ni lalaki. Bilang ganti, ipinost ni gago sa social media ang mga private photos at videos ng dating nobya.

Dahil sa reklamo, nakipag-ugnayan ang BITAG sa NCRPO-Regional Special Operations Unit (RSOU). Ma­tapos ang isa’t kalahating buwan ng masusing pag-aaral at pagpaplano, ikinasa ng NCRPO-RSOU at BITAG ang isang entrapment operation.

Ginamit na oportunidad ng mga operatiba ang kagustuhan ng manyakol na lalaki na makipagkita kay “Ana”. Sa itinakdang lugar at oras ng suspek, doon din siya nadakip ng mga pulis. Hulog sa BITAG ang malibog na online gamer!

Malamang ay marami ang magtataasan ng kilay at magagalit sa biktima. Pero hindi ito ang tamang oras at panahon para husgahan sila. Sila ang biktima sa kasong ito at tulad ni “Ana” tanggap niya sa sarili niyang nagkamali siya. Nawa’y magsilbing aral ang kuwentong ito ni “Ana”, lalung-lalo na sa mga kababaihan.

Abangan ang full episode ng istoryang ito sa Bitag-Kilos Pronto at BITAG New Generation sa mga susunod na araw.

TEKNOLOHIYA AT INTERNET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with