^

PSN Opinyon

Sirang ngipin: Anong dahilan at solusyon?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY mga bagay-bagay na nagdudulot sa pagkasira ng ngipin. Alamin ito:

1. Matatamis na pagkain at inumin – Ang pagkasira ng ngipin ay nag-uumpisa sa pagdami ng bacteria sa bibig. Kapag madalas kumain ng candy, jams, tsokolate, matamis na juices, soft drinks at cakes, mas madaling masira ang ngipin.

2. Maling pagbibigay ng gatas sa bata – Masustansya ang gatas bilang pagkain. Ngunit kapag hinayaang matulog si beybi na may bote ng gatas sa bibig, masisira ang kanyang ngipin. Para maiwasan ito, linisin ang ngipin at gums ng beybi na gamit ang basang tela o gasa.

3. Maling pagsepilyo – Bukod sa pagsepilyo ng tatlong beses maghapon, kailangan ay tama rin ang paraan ng pag-sepilyo. Piliting abutin ang mga ngipin sa likod ng bibig. Ito ang mga molars at pre-molars na madaling ka­pitan ng pagkain at bacteria.

4. Mga bata at may edad – Maraming kabataan ang hindi naturuan ng magulang ng tamang pagsesepilyo. Ang mga may edad naman ay kadalasang may problema sa gilagid, numinipis ito at nagkukulang sa laway. Dahil dito, madaling masira ang ngipin.

Kumunsulta sa dentista:

Kahit walang nararamdaman, kailangang magpa-check up sa dentista bawat 6 na buwan. Magpa-dental cleaning din. Mayroon kasing mga lugar sa bibig na mahirap abutin ng sepilyo at hindi natin malilinis. Tanging ang dentista lamang ang kayang maglinis nito.

Kapag may sira ang iyong ngipin, may mga paraan ang dentista para malunasan ito:

1. Pasta o dental filling – Kung maliit pa lang ang sira sa ngipin ay puwede pa ito pastahan. Ligtas ito at madaling gawin.

2. Dental crown at root canal – Kung may kalakihan ang butas ng ngipin, baka puwede itong agapan ng root canal. Mas malaki ang aayusin ng dentista at lalagyan pa ng bagong balot o dental crown ang ngipin. May kamahalan na ito.

3. Pagbunot ng ngipin – Kapag malala na ang sira ng ngipin ay baka kailangan na itong bunutin. Sayang naman ang iyong ngipin.

4. Paglalagay ng dental implants – May isang paraan kung saan mapapalitan ng dentista ang nabunot na ngipin at maglalagay sila ng dental implants o panibagong ngipin. Hindi na kailangang magpustiso. Maganda itong gawin pero napakamahal lamang.

Tandaan: Magsepilyo lagi at magpa-check up sa dentista. Mas mura pa rin ang pag-iingat sa ngipin kaysa sa pag-aayos nito. Good luck po.

vuukle comment

SIRANG NGIPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with