^

PSN Opinyon

Sabah sa likod ng ‘Shalala’

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

KUALA LUMPUR ----Ang saya-saya ng kantahan at sa­yawan nina Malaysian Prime Minister Najib Razak at Pres. Rodrigo Duterte sa state dinner sa protocol hall ng Seri Perdana sa Putrajaya Center in Malaysia noong Huwebes ng gabi.

Ang nasabing piging ay pagtatapos ng dalawang araw na state visit ni Duterte sa Malaysia bago tumungong Davao City.

Kumanta at sumayaw si Najib at napakanta niya pa nga si Duterte sa Walkers na original na kantang “Shalala”.

Ang saya-saya ng state dinner na sinasabing “it sealed the friendship between the Philippines and Malaysia”.

Maliban sa state dinner ay nagkaroon din ng bilateral talks sa pagitan nina Najib at Duterte at kani-kanilang officials sa mga concerned government offices.

At ang naging paksa  ng kanilang bilateral talks ay ang increased trade relations at stronger defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Ngunit si Najib na nga mismo ang nagsabing ang ukol sa Sabah claim ng Pilipinas ay huwag munang talakayin. Ang Sabah issue ay puwede na man daw na maisantabi at patuloy  na  magkaroon ng mas malalim at makahulugan na relasyon ang Pilipinas at Malaysia.

Kaya nga sa kabila nang lahat ng ito, sana naman ay maituon din natin ang ating pansin sa kung ano ang nangyayari sa may 500,000 na kababayan natin na napadpad sa Sabah dala ng kahirapan sa buhay sa kabilang dulo ng ating bansa.

Isantabi muna natin ang Sabah claim issue --- sana naman matutukan ng pamahalaan ang totoong kundisyon ng ating mga kababayan doon na minamaltrato ng Malaysian authorities.

Ang alam ko, marami sa ating mga kababayan lalo na ang mga bata ay tinatapon sa tubig sa mga Kampung Air sa Kota Kinabalu at magkalapit na mga bayan sa Sabah lalo na sa kanilang patuloy na crackdown on illegal immigrants. Karamihan sa illegal immigrants sa Sabah ay mga Pinoy.

Minamaltrato ang ating mga kababayan sa Sabah, lalo  na ang mga nahuhuli sa crackdown. Ang problemäng ito ay matagal nang alam ng ating Embassy sa Kuala Lumpur.

Sana naman aksyunan na ang problemang ito ng mga kababayan natin sa Sabah.

vuukle comment

EDITH R. REGALADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with