^

PSN Opinyon

Foreigners kasapi ng Abu Sayyaf

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

MARAHIL ang akala nang marami ay puro Pinoy ang mga kasapi ng Abu Sayyaf extremist group na naging industriya na ang kidnap-for-ransom activities nila na karamihan sa mga biktima ay dayuhan.

Maging si President Duterte inamin na ang operation ng Abu Sayyaf ay hindi nga lang kagagawan ng mga Pilipino-Muslim rebels ngunit maging ng mga dayuhang malayang nakakabiyahe sa mga territorial waters sa labas ng Pilipinas sa may Celebes Sea o Sulu Sea.

At naging biktima na nga ang mga dayuhang seamen gaya ng mga Indonesians at Malaysians o minsan ang mga turistang American, Canadian o kahit anong nationalities.

Ayon nga sa report, kumita ang Abu Sayyaf ng higit P380 million sa mga ransom na nakuha nila kapalit sa kalayaan ng kanilang mga biktima.

Ang masaklap lang, ayon sa Presidente, ginawang sanktuwaryo ng mga Abu Sayyaf ang hinterlands o kagubatan  ng Sulu.

Kaya hayun hinimok na ng Presidente na sabay nang lansagin at tugisin ng tatlong bansa --- Malaysia, Indonesia at Pilipinas ang mga Abu Sayyaf.

Dahil naniniwala si President Duterte na ang mga miyembro ng Abu Sayyaf ay hindi lang Pinoy kundi may mga dayuhan din.

Naging saksi ako noon sa isang bayaran na tinanggap ng Malaysian Navy official ang ransom para sa mga bihag na dayuhan noon ng Abu Sayyaf.

Nagkataon na nasa Sandakan, Sabah, Malaysia ako at kagagaling ko lang noon sa Kota Kinabalu.

Nagtaka na lang ako nang may sumigaw sa pangalan ko sa restaurant ng hotel.

‘Yon pala mga kakilala ko na sinabi nilang nagbayaran nga raw sila ng ransom doon sa Malaysian navy officials.

At tinanong ko na rin yong Malaysian navy officials kung may iba pa bang nationalities na kaakibat ng Abu Sayyaf at tahasan naman nilang sinabing kasali rin ang Indonesian Navy officials.

Tinanong ko sila kung papaano naging kasali ang mga naturang Navy officials-- sinabi nila na ang mga ito ang may mga speedboats o kung anong mabibilis na sasakyang pandagat na nakakaikot sa Celebes at Sulu seas kung saan nagaganap ang mga kidnapping lalo na ng mga seamen.

Ito nga ang naging siste nila--- ang mga Indonesian at Malaysian navy officials ang naging supporters ng mga Pinoy Abu Sayyaf members lalo na sa laot.

Kaya yun ang sinabi ni President Duterte na kailangan niya ang kooperasyon ng pamahalaan ng Indonesia at Malaysia laban sa Abu Sayyaf.

vuukle comment

EDITH R. REGALADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with