^

PSN Opinyon

Unti-unti man natututo tayo

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

UNA sa lahat ay bumabati ako sa lahat ng isang mapayapa at mabiyayang 2016.

Ayon sa datos ng Department of Health, bumaba raw ang bilang ng mga naputukan ng rebentador sa pagsalubong sa Bagong Taong 2016. Ito ay kumpara sa nakalipas na mga taon. Mabuti naman. Sana lalung bumaba pa sa darating na mga taon.

Pero mas mabuti kung tuluyan nang mawawala ang matagal na nating nakagawiang kultura na ginagawa kung Bagong Taon. Pantanggal daw kasi ito ng malas ayon sa mga Chinese na nagpamana sa atin ng kulturang ito. Ang kaso, hindi malas sang natatanggal ng rebentador kundi mga daliri at kamay!

Siguro dapat nating purihin ang DOH sa marubdob na kampanya nito taun-taon para matanto ng taumbayan ang panganib ng pagpapasabog ng rebentador. Palagi itong may mga anunsyo sa radio, telebisyon at peryodiko tungkol sa mga malalagim na nangyari sa mga taong naputulan ng kamay kundi man namatay dahil sa pagpapasabog ng rebentador.

Maging ang mga nasa industriya ng paggawa ng pyrotechnic ay umaangal na tumumal nang halos 50 porsyento ang bentahan ng mga rebentador kumpara sa mga nakalipas na taon. Mayroon na nga tayong batas na nagre-regulate sa rebentador pero wa-epek pa rin. May mga rebentador na sing-lalaki  ng unan. Headline nga natin ngayon na may isang lasing na sinindihan ang isang malaking rebentador na “Goodbye Philippines” at niyakap kaya sumambulat ang kanyang katawan. Nag-goodbye talaga siya!  Grabe talaga!

Kunsabagay, malaking negosyo ang pyrotechnic at marami ang umaasa ng ikabubuhay dito.  Pero hindi naman rason iyan para isakaripisyo ang kapakanan ng nakararami.

Ngunit mayroon mang maputukan o wala, panganib pa rin sa kalusugan ang nakasusulasok na usok mula sa pagpapaputok ng mga rebentador. Bukod diyan, subukan mong magmaneho sa highway matapos ang pagdiriwang ng bagong taon. Tiyak wala kang makikita dahil sa kapal ng usok. Delikado sa mga motorista iyan.

vuukle comment

ANG

AYON

BAGONG TAON

BAGONG TAONG

BUKOD

DELIKADO

DEPARTMENT OF HEALTH

GOODBYE PHILIPPINES

MGA

PERO

REBENTADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with