^

PSN Opinyon

Round 1 to Grace

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAGPASYA na ang Senate Electoral Tribunal (SET) sa disqualification case ni Sen. Grace Poe. Ayon sa SET, si Senator Poe ay NATURAL BORN FILIPINO. Hindi siya maaring i-disqualify sa pagiging senador ng bansa. At ang implikasyon nito sa kanyang kandidatura sa pagka-Pa­ngulo? Hindi rin siya maaring i-disqualify sa issue ng kung natural born ba siya o hindi.

Ilang linggo na ring bitbit ni Senator Poe at ng kanyang mga tagasuporta ang bigat ng posibleng negative decision ng SET. Kung tutuusin, kahit pa DQ ang naging pasiya, pihado namang i-aangat ito sa Korte Suprema. Subalit mas maganda na para sa kanya na hindi siya nabigo sa round 1 dahil kung na-DQ na siya ng SET sa umpisa pa lang, marami nang maasiwang sumuporta sa kanyang kandidatura. Sabihin nang higit na marami ang maaawa sa hayagang panggigipit sa kanya. Ang kaso’y iyong mga mag-aambag sana ng tulong ay posibleng mawalang gana sa isang kampanyang sa umpisa pa lang ay defensive na.

Hindi lamang si Senator Poe ang nagtagumpay sa panalong ito. Maging ang limang Senador na pumanig sa kanya ay ituturing na mas mataas ang lebel ng political maturity. Alam natin na sa kaso nina Senator Bam Aquino at Pia Cayetano, kapwa sila kadugo ng mga kandidatong makakatunggali ni Senator Poe at ng kanyang running mate na si Senator Chiz. Sa kabila nito ay hindi nila pina­yagang ma-impluwensyahan sila ng pulitika. Bumoto pa rin sila nang walang pakundangan.

Ang kumplikasyon lang sa desisyon ay ang boto ng tatlong mahistrado na pawang kontra kay Senator Poe ang desisyon. Maari itong maging hudyat ng pag-iisip ng kabuuang Korte kapag umabot na roon ang apela. Kailangan itong paghandaang mabuti ng kampo ng senadora at mas matimbang at mahalaga ang magiging resolusyon ng kaso sa Supreme Court.

Pansamantala ay namnamin mo po muna Senadora ang iyong tagumpay. Nawa’y maging hudyat din ito ng magagandang resolusyon sa darating na panahon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

GRACE POE

KORTE SUPREMA

PIA CAYETANO

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SENATOR

SENATOR BAM AQUINO

SENATOR CHIZ

SENATOR POE

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with