^

PSN Opinyon

EDITORYAL – May mamamahayag na namang pinaslang

Pilipino Star Ngayon

NGAYONG 2015, walong mamamahayag na ang napapatay. Ang ikawalo ay si Jose Bernardo, broadcaster ng DWBL at correspondent ng DWIZ. Ipina-park ni Bernardo ang kanyang motorsiklo sa tapat ng isang food chain sa Zabarte Road, Novaliches, Quezon City nang lapitan ng isang lalaki at pagbabarilin. Namatay si Bernardo sa ospital. Hindi pa nahuhuli ang killer. Kung ang pagpatay kay Bernardo ay may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang mamamahayag, siya ang ika-37 sa mga pinaslang sa ilalim ng Aquino Administration at ika-174 mula noong 1986.

Kung walang mapapanagot sa pagpatay kay Bernardo, matutulad ang kanyang kaso sa mga mamamahayag na sina Nerlita Ledesma na pinatay noong nakaraang Enero 2015; Maurito Lim na pinaslang noong nakaraang Pebrero; Mei Magsino noong nakaraang Abril at kina Cosme Maes­trado, Teodoro Escanilla at Gregorio Ybañez na pinaslang noong nakaraang Agosto.

Marami nang pinatay na mamamahayag at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nalulutas. Maski ang pagpatay kay broadcaster-environmentalist Gerry Ortega ng Puerto Princesa City, Palawan ay hindi pa masasabing lutas na sa kabila na naaresto na ang umano’y mastermind. Pinatay si Ortega noong 2011.

Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag ay nangyari noong Nob. 23, 2009 sa Maguindanao. Tatlumpong mamamaha­yag at 28 sibilyan ang minasaker at sama-samang inilibing sa hukay. Hanggang ngayon, mag-aanim na taon na ang krimen subalit wala pang nakukuhang hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Walang nakukuhang proteksiyon sa gobyerno ang mga mamamahayag. May mga pangakong binitiwan si President Noynoy Aquino noon na lulutasin ang mga pagpatay sa mamamahayag subalit walong buwan na lamang siya sa puwesto at wala pang natutupad sa pangako. Kailan ito magkakaroon ng katuparan?

vuukle comment

ACIRC

ANG

AQUINO ADMINISTRATION

BERNARDO

COSME MAES

GERRY ORTEGA

GREGORIO YBA

JOSE BERNARDO

MAMAMAHAYAG

MAURITO LIM

MEI MAGSINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with