^

PSN Opinyon

Carpal Tunnel Syndrome: Manhid na kamay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

(Part 1)

NAMAMANHID ba ang palad ng iyong kamay? Para bang walang pakiramdam ang iyong buong palad, mula sa hinlalaki hanggang sa pang-apat na daliri?Minsan ba ay humihina ang iyong kamay at nabibitiwan mo ang iyong dinadala? Kung ganoon, baka ika’y may Carpal Tunnel Syndrome.

Ang Carpal Tunnel Syndrome (CTS) ay isang sakit ng sobrang paggamit ng kamay, tulad ng mga computer worker, office worker, mahilig mag-type, waiter, karpentero, labandera at mananahi. Ang kababaihan ay mas nagkakaroon nitong sakit kumpara sa kalalakihan.

Ang dahilan ng pamamanhid ay ang pagkaipit ng isang ugat, ang Median Nerve, sa lugar ng ating wrist. Ang mga daliri natin ay may mga tendons o litid na tumitigas kapag ginagamit natin ang ating kamay. Kapag nasobrahan ang iyong paggamit ng kamay, namamaga ang mga litid na ito, at puwedeng maipit ang Median Nerve. Dahil dito, namamanhid ang palad.

Kung namamanhid ang iyong kamay, magpakonsulta sa isang doktor (surgeon) para malaman kung carpal tunnel syndrome nga ang iyong sakit. Puwede din ka­sing iba ang sanhi ng pamamanhid sa kamay, tulad ng arthritis o diabetes.

Bukod sa mga tips na aking ibibigay, may mga paraan din ang mga surgeons para gamutin ang carpal tunnel syndrome. Mayroong injection ng steroids sa wrist. At kung malala na ay mayroon ding operasyon para luwagan ang daanan sa litid ng wrist.

Ang good news ay karamihan ng mga may carpal tunnel syndrome ay mapapagaling sa mga payong ating ibibigay.

1. Ipahinga ang kamay. Bawasan ang pagta-trabaho sa computer at pananahi. Mag-break at ipahinga kada oras ang iyong kamay. Mas gamitin din ang kamay na hindi apektado. Alam kong kailangan ninyong kumita, pero baka naman lumala pa ang iyong Carpal Tunnel.

2. Bawasan ang lakas at puwersa ng kamay. Maghinay-hinay lang sa iyong paglalaba o pagkukuskus sa bahay. Kung ika’y may kinakalikot o binubuhat, huwag ilagay ang lahat ng bigat sa wrist. Gamitin ang buong balikat at braso sa pagbubuhat.

3. Huwag i-bend ang kamay. Kapag mali ang posture ng iyong kamay, puwedeng maipit ang median nerve. Dapat ay deretso palagi ang wrist kapag nagta-type.

Sa susunod, marami pang ibang tips para maiwasan itong sakit.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG CARPAL TUNNEL SYNDROME

BAWASAN

CARPAL TUNNEL

CARPAL TUNNEL SYNDROME

IYONG

KAMAY

KAPAG

MEDIAN NERVE

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with