^

PSN Opinyon

Laging alaala

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Ngayon ay siyudad nang San Pedro Laguna

ito’y nasa bukana ng buong probin’sya;

doo’y may balwarteng tila kakaiba

manok na lalaki nangitlog talaga!

 

Ang unang negosyo ay penoy at balut

mula sa pamilyang may itika’t manok

yao’y nakilalang mainam na gamot-

sa bata’t matandang mahina ang tuhod!

 

Pamilyang Cataquiz at saka Sibulo

umaani’t nagluluto ng itlog na ito;

sila ay nag-impok at yumaman dito

mga anak nila’y naging magkasundo!

 

Si Calix Cataquiz naging negosyante

nagtayo ng banko at naging alkalde;

Si Baby Sibulo lubhang may kalibre-

nasungkit ni Calix at Mayor ng city!

 

Ang San Pedro ay dating mabundok magubat

ngayon ay siyudad na sa sikap nang lahat;

Kasaysayan nito’y aking naihayag

si Dadong Matinik ay doon nagbuhat!

 

Ngayong pamilya ko’y nalipat ng bahay

nagdaang panahon di malilimutan;

sa mga okasyong ako’y naimbitahan

Si Calix at Baby -- nagpapalakpakan!

 

Kahit kayo’y busy sa mga gawain

sa burol ni misis kayo ay dumating;

kaya salamat ko at pamilya namin

Diyos ang bahala kayo’y pagpalain!

 

At sa 2016 may eleksyong pambansa

ikaw ‘Baby’ ay dapat kumandidato pa;

dapat taun-taon ay kandidato ka

tatlong term ay tapusin bago ka bumaba!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG SAN PEDRO

DADONG MATINIK

DIYOS

NBSP

PAMILYANG CATAQUIZ

SAN PEDRO LAGUNA

SI BABY SIBULO

SI CALIX

SI CALIX CATAQUIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with