^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Higpit ngayon, luwag bukas

Pang-masa

MALUWAG ang seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaya walang anumang naipasok sa parking area ng Terminal 3 ang isang Toyota Revo (plate number WMK 129) na may lamang­ mga pampasabog. Nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sasakyan dakong 1: 45 ng madaling araw noong Lunes. Apat na lalaki ang naaresto. Nakuha sa kanilang posisyon ang anim na “improvised explosive divices”. Nakakuha ng kalibre 38 baril sa isa sa mga suspek. Ayon sa report, nagpakilalang reserved military officers ang mga suspek.  Bukod sa pambobomba sa NAIA, balak din umanong bombahin ang Mall of Asia, at ang tanggapan ng DMCI sa Makati City.

Kung natuloy ang tangkang pagpapasabog sa NAIA, tiyak na maraming mamamatay. Isang ma­laking kahihiyan na naman ang idudulot sa mundo sapagkat lagi nang binabatikos ang NAIA bilang pinaka-worst airport. Hindi lamang pala ang pangit na pasilidad, sirang aircon, sirang comfort room, kakulangan sa tubig kundi pati pala ang grabeng kaluwagan sa seguridad ang problema. Ilang taon na ang nakararaan, isang mayor ang binaril at na­patay sa NAIA. Nagkunwaring mga pulis ang pumatay sa mayor. Nakatakas ang mga suspek na hindi man lang natugis ng airport policemen.

Kahapon, muling ipinatupad ang paghihigpit ng seguridad sa NAIA. Binubulatlat ang mga dala-dalahan, iniinspeksiyon ang mga compartment ng sasakyan, walang patlang ang pag-amoy ng mga K-9 sa mga bagahe at wala ring tigil ang patrol car sa bisinidad ng airport.

Sana, regular na ginagawa ang mga ganitong pagrerekisa at pag-iinspeksiyon at hindi kung kailan may nag-attempt nang mambomba o magpasabog. Kung palaging alerto ang mga taga-NAIA, hindi maipapasok ang mga pampasabog.

Ang pagkakadiskubre sa planong pagpapasabog ay dapat magdulot ng aral sa awtoridad. Ipatupad ang masusing pagbabantay lalo pa nga sa mataong airport. Huwag ningas-kugon. Dapat malaman na naghihintay lamang ng magandang pagkakataon ang mga may “utak-pulbura” para maisagawa ang kanilang masamang hangarin, Huwag hayaang makapangyari ang kanilang kasamaan.

vuukle comment

APAT

HUWAG

MAKATI CITY

MALL OF ASIA

NAIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with