^

PSN Opinyon

Victory

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Victory Joe! Victory Joe! Sigaw ng mga tao

nang dito’y dumating mga Amerkano;

Nagtagumpay sila sa digma ng siglo

at tayo’y naligtas sa gulo ng mundo!

 

Lumipas ang ilang mahabang panahon

mga Amerkano’y kaibigan noon;

Kabuhayan nati’y biglang nakaahon

sa tulong ng Kano’t dolyar na bumalong!

Ang tanggulang bansa ay naging malakas

sa bases ng US na dito’y natatag;

Maraming gawaing dito ay kumalat

sa tulong ng Kano na naging matapat!

 

Subali’t nagbago mga Pilipino

nag-iba ang sigaw: Alis d’yan, Alis kayo;

Mga makabayan nabago ng gusto

mga US bases alisin na rito!

 

Sa maraming dako’y biglang nagsulputan

mga lider nating sabi’y makabayan;

Mga pulitiko’y nagkunwang maalam

ang habol lang pala ay boto ng bayan!

 

Dumating ang araw bansa’y inaapi

nang malaking bansa na ating katabi;

Kaya tayong lahat ay maduduhagi

dahil nawala nga ang ating kakampi!

 

Ang kakampi nati’y bansang Amerika

sila’y pinalayas nitong makabansa;

At ngayon ngang sila ay biglang nawala

mga kawal nati’y makalaban kaya?

vuukle comment

ALIS

AMERIKA

AMERKANO

DUMATING

KABUHAYAN

KANO

KAYA

VICTORY JOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with