^

PSN Opinyon

Pulis, nang-rape ng 2 bata at dalagitang kasambahay

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang sobra-sobra ang pagiging manyakis ng isang pulis?

 Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Ding Ruedas ng DZRH, Bro. Henry Capela,  Bro. Resty Navarro, Lt. Ed Rarugal PMA Class 2014, Ana Gomez, Lynda Bartolome at Loida Osmillo.

Kahindik-hindik ang ginawa ng pulis sapagkat ang mga ni-rape umano niya ay sariling mga pamangkin. Ang mga ni-rape ay isang limang taong gulang na bata at isang Grade V pupil na edad 10.

 Ang pinakahuling biktima ng manyakis na pulis ay ang pamangkin na 10 taong gulang. Dahil sa ginawang pang-aabuso ng tiyuhin na pulis ay na-trauma ang bata. Siya ay madalas na natutulala, nakatingin sa malayo at wala sa wisyo. Mabuti na lamang at tinutulungan siya ng mga madre sa kanilang eskwelahan na nakakaalam sa insidente.

Sinampahan na ng kasong rape ang pulis sa Office of the Prosecutor sa Tuguegarao City subalit ang malungkot na sitwasyon ay iniurong ng magulang ng bata ang kasong rape laban sa pulis.

Ayon sa aking bubwit, iniatras ng magulang ang kaso matapos bayaran ng P1-milyon. Wow, grabe!

Ayon pa sa aking bubwit, bukod sa batang Grade V pupil, ginahasa rin ng pulis ang isang pamangkin na limang taong gulang. Sa takot ng pamilya ng bata sa tiyuhin na pulis, umalis sila sa Tuguegarao at nagpunta sa Bicol.

Ayon pa sa aking bubwit, biktima rin ng pulis ang kanilang kasambahay na 16-years old. Sa takot din ng kasambahay ay umuwi na lamang sa kanila sa Tabuk, Mt. Province.

Ayon pa rin sa aking bubwit, adik-adik umano sa droga ang pulis. Ang pulis na inaakusahang nang-rape sa dalawang menor-de-edad na pamangkin at isang kasambahay ay si Ian Alex Carag ng Tuguegarao City.

vuukle comment

ANA GOMEZ

AYON

DING RUEDAS

ED RARUGAL

GRADE V

HENRY CAPELA

IAN ALEX CARAG

LOIDA OSMILLO

PULIS

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with