^

PSN Opinyon

Bribery after the fact

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SA pagkairita ng Presidente sa mga pasaway na reporter na  hindi siya tigilan tungkol sa DAP, hinamon nya ang kanyang mga kritiko na sampahan siya ng impeachment complaint upang magkaalaman. Hindi pa nakuntento, big­la niyang nasabing: Bakit, is there bribery after the fact?

Paano nga ba matatapos ang usapan kung mismong ang Presidente, imbes na harapin ang mga paratang at ipaliwanag ito sa mahinahon at malinaw na paraan ay dadaanin sa emosyon ang isyu. Tulad na lang ng hamon niyang pa-impeach. Sa isang impeachment, tinatayang mahihimay nang husto ang mga argumento at lalabas talaga ang katotohanan laban sa opisyal na nasasakdal. Yan ang theory ng impeachment. Subalit ang katotohanan ay pumapasok ang pulitika sa bawat impeachment trial at ito, sa halip ng katotohanan, ang nagiging konsiderasyon.  Sa baitang ng kanyang popularidad ngayon, walang impeachment complaint ang siseryosohin. Alam ito ng Presidente. Kung kaya ang kanyang hamon ay hindi lehitimo.

Patungan pa ito ng tanong na – is there bribery after the fact? Kung iba sanang opisyal ang nagtanong nito ay mapapailing ka na lang. Seryosong tanong ba ito? Kung gusto mong maging teknikal, walang tukoy na probisyon ang ating Kodigo Penal tungkol dito. Ang karaniwang unawa ng krimen ng bribery ay mayroong opisyal na pumayag na umaksyon dahil sa alok ng premyo o regalo na siya namang tinanggap. Kahit na pagkatapos ng pagkilos ng opisyal ibigay ang ipinangako, siyempre bribery pa rin ito dahil ang pinaparusahan ng batas ay ang pagbigay ng pangako para kumilos ang opisyal.

May krimen din na kung tawagin ay gratuity – kila-lang kilala ito sa Amerika subalit hindi nakasulat sa ating Kodigo penal. Nagaganap ito kapag alukin mo ang opisyal ng regalo o premyo pagkatapos nitong gumawa ng aksyon na pabor sa iyo na hindi mo naman naunang pinangakuan. Para bang nagpapasalamat ka lang sa benepisyong natanggap.

Walang maitutulong sa resolusyon ng isyu ang ganitong klaseng reaksyon. Sana nama’y mas pahala­gahan tayo ni P-Noy sa pamamagitan ng pagbigay ng seryosong sagot sa ating mga duda.

 

vuukle comment

ALAM

AMERIKA

BAKIT

KAHIT

KODIGO

KODIGO PENAL

NAGAGANAP

OPISYAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with