^

PSN Opinyon

Dating President GMA, nagbago na ang itsura

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang nagbago na ang itsura ngayon ng da- ting Presidente at ngayon ay Pampanga congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday kay Consul Joseph Assad, Bro. Loy Domingo, Mando Castillo, Alnie Agalud-ud at Bro. Joey Soriano ng Laoag City.

Halos hindi makapaniwala ang aking bubwit nang dalawin ang dating Presidente sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil nag-iba na ngayon ang kaanyuan nito. Kung dati ay cutie-cutie si GMA noong siya ay Presidente, ngayon ay halos hindi na siya makilala.

Kung mahahalubilo ngayon si GMA sa crowd ay hindi siya makikilala agad dahil nag-iba na ang kanyang itsura. Ito ay sanhi ng kanyang karamdaman sa leeg at lalamunan. Hindi pa rin siya makakain ng normal dahil bawal sa kanya ang solid food. Halos puro lugaw ang kinakain niya dahil nahihirapan siyang lumunok.

Ayon pa sa aking bubwit, maaring ang nakapagpa-   lala sa kondisyon ngayon ni GMA ay ang kanyang pagkaka-hospital arrest, kakulangan sa exercise at idagdag pa ang kanyang mga kaso na nagdudulot ng depression.

Ang hindi lang nagbago sa kanya ay very sharp pa rin siya. Sa katunayan ay nagsusulat siya ngayon ng libro. Pero bago pa lumala ang kanyang kondisyon, sana ay pahintulutan na siya ng gobyerno na makapagpagamot sa Amerika.

Get well soon, Madam Congresswoman GMA.

 

vuukle comment

ALNIE AGALUD

AYON

CONSUL JOSEPH ASSAD

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JOEY SORIANO

LAOAG CITY

LOY DOMINGO

MADAM CONGRESSWOMAN

MANDO CASTILLO

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with