DOT pumalag sa Immigration dahil sa pera(part 1)
SUMAMBULAT ang kahihiyan ng Philippines my Philippines partikular ang ahensiya ng Department of Tourism dahil sa pangingikil na ginagawa ng mga immigration boarding officer sa cruise ship na inaakyatan nito.
Nabigyan ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng sulat na may petsang May 17, 2013 at ito ang laman ng liham entoto - Honorable Ricardo A. David Jr., Commissioner Bureau of Immigration 2nd floor of Immigration Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila.
Dear Commissioner David,
As part of the thrust of the Department of Tourism in promoting the Phlippines as a cruise tourism destination our delegation attended the Cruise Shipping Miami 2013 convention in Florida USA, last March 11 - 14, 2013. This convertion served as a venue for our team to meet with various several cruise line companies who expressed their interest and signified that they will be sailing on years 2014 - 2015,
Among those that the Philippine Teammet during these event was representatives of the Royal Carribean Cruise Limited (RCCL) who expressed concerns on the alleged overcharge of laundry fee (US$250.00/person)by the Philippines Bureau of Immigration officers to facilitate the stamping of passports for their passengers.
In this regard, may we respectfully request for clarification on the matter of procedures and rates charged for the collection of laundry for arriving cruise ship passengers.
Thank you and we look forward to your positive response to our request.
Signed Atty. Maria Victoria V. Jasmin
Tourism Regulation Coordination and Resource Generation.
Nagtatanong lamang ang sulat ng DOT pero kung malaliman itong iisipin ang ibig sabihin ay nagsusumbong ang Carribean Cruise Ship management kay Atty. Jasmin kung bakit US$240.00 kada ulo ng banyagang turista ang sinisingil sa kanila ng mga nakatalagang kurap Immigration Boarding Officer sa ilalim ng tanggapan ni Theodoro ‘Teddy’ Pascual, ang acting chief pero halos 3 years ng nakaupo bilang Immigration Bay Boarding Service head.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gumamit lamang ng pseudo term ‘laundry service’ ang mga bugok na Immigration Boarding Officer sa pakikipagsabwatan ng mga extortionist nilang grupo para magkamal ng malaking halaga ng salapi.
Ipinaliwanag ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang laundry service fee ay isang standard package arrangement fees para maging smooth at mapabilis ang facilitation ng ‘stamping o clearnace’ sa kanilang mga foreign passport at ang matindi dito ay ang none application ng ‘derogatory, checking at verification ng mga blacklisting order.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito daw ay pre-arranged na sa pagitan ng immgration boarding inspectors at ng shipping agent o authorized representative ng foreign shipping liner para hindi mabalam o ma - hassle ang mga banyagang pasahero na nag-stop over sa Philippines my Philippines para sa sight seeing.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Idinagdag pa ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang isinasagawa ang imbentaryo ng mga pasahero sa cruise ship at nakitang may mga nakasakay dito na classified as ‘restricted’ foreign nationals o walang required entry visa may P50,000 government administrative fines kada isa ang gagawin sa kanila pero ito anila ay nagagawan ng paraan ng mga bugok dahil magkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng mga nabuko at bugok kaya kung minsan ay discounted pa ito ng kalahati pero ang bayad ay dollar pa rin.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Abangan.
KKK ng PNP saluduhan
LAST week ng magbukas ang klase sa Philippines my Philippines ay nagpakalat si Chief PNP General Allan Purisima ng sangkaterbang pulis para sa Kaayusan, Katahimikan at Kaligtasan (KKK) ng mga student kaya naman halos walang naitala sa kalendaryo este mali blotter pala na may mga biktima ng karahasan ngayon linggo sa mga school.
Saludo tayo kay Puring!
Next Monday muli na naman sasargo ang bulto ng mga estudiante papunta sa kani-kanilang eskuelahan sa buong Philippines my Philippines kaya naman sa parte ng madlang people sa ipinakita ng pulisya sa unang linggo ng pasukan ay kalmado ang kanilang mga sarili na ligtas sa kriminalidad ang kanilang mga anak sa pagpunta at paglabas ng schools.
Kaya naman nananawagan tayo sa kapulisan na pag-ibayuhin ng husto ang kanilang monitoring at intel networking sa mga gago naghihintay ng mga mabibiktima lalo na sa mga pribadong eskuelahan dahil alam nila kahit papaano ay may dalang pera ang mga estudiante.
Sabi nga, pambili ng books at baon!
Ayon kay Purisima nakaalisto rin ang kanyang mga kapulisan para manmanan ang mga drug addict o pusher na nakatambay sa mga eskuelahan at naghihintay ng kanilang mabibiktima.
Abangan.
- Latest
















