^

PSN Opinyon

‘Triple-your-money syndicate’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HULOG sa BITAG ang dalawang kabagang ng “triple-your-money syndicate” matapos ang tatlong linggong pagmamanman ng mga operatiba ng Regional Police Intelligence Operations Unit (RPIOU) at BITAG!

Ang “triple-your-money scam” na tinatawag ding “white money scam” ay modus operandi ng mga big time at highly organized syndicate. Nangangako sila na magiging triple ang inyong pera pagkalipas ng ilang araw.

Sa imbestigasyon ng RPIOU, hawig ng “black money scam” ang “triple-your-money scam.” Isa ito sa mga iligal na aktibidades na dinala sa Pilipinas ng mga putok sa buhong Nigerian. Sila rin ang sinasabing nagturo sa ilang mga Pinoy kung ano at papaano ang hokus-pokus na ito. Matagal nang nag-ooperate sa bansa ang “triple-your-money Syndicate” pero ngayon lang na-BITAG ang modus ng mga kasapakat ng sindikatong sina alyas “Rey” at “Beng.”

Si Nora, isang negosyante, biktima ng “triple-your-money scam.” Sumbong niya, inalok siya ng kaibigang si “Beng” na subukan ang “triple your money scheme.” Dahil sa pagtitiwala sa kaibigan, nakumbinsi ang biktima na isugal sa alok ang P600,000 na inutang sa “5-6 business”. Panatag ang loob ng biktima, walang kaalam-alam na naisahan na pala siya ng mga nagbabalat-kayong dorobo!

Alamin ang mga estilo at taktika ng ganitong uri ng modus! Abangan sa BITAG Live! at BITAG T3 kung papaanong nalambat at nahulog sa BITAG ang mga galamay ng “triple-your-money syndicate!”

 

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5. Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30-9:00 at BITAG, 9:15-10:00 ng gabi sa PTV4. 

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

vuukle comment

BITAG

BITAG LIVE

COPS-RIDE ALONG

KALAW HILLS

MONEY

PINOY

QUEZON CITY

TRIPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with