^

PSN Opinyon

Bro. Eddie sabak uli!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SARI-SARING feedback ang tinatanggap ko kaugnay ng pagkandidato ni Bro Eddie Villanueva sa pagka-Senador sa susunod na taon.

May nagsasabing di dapat sumawsaw sa maruming politika ang kilalang leader ng Jesus Is Lord Church pero marami ring nagsasabing kailangan siya sa gobyerno para maghasik ng liwanag ng Dios  sa dakong punumpuno ng corruption.

Ngunit walang iba kundi ang pinagpipitaganang si ex-CJ Reynato Puno ang nag-udyok sa televangelist para tumakbong Senador. Kaya nabuo ang Brother Eddie for Senator Movement (BESMo) sa pangunguna ni Puno at gayundin ng dating NEDA chief na si Ciel Habito.

Bago mag-file ng certificate of candidacy si Bro Eddie bilang kapalit ng umatras na si Dr. Israel Virgines, dalawang beses kong naisulat ang posibilidad na magsa-substitute si Bro. Eddie kay Virgines dahil mas matunog ang pangalang Eddie Villanueva. Natalo nga lang si Villanueva nang tumakbo for President dahil lubhang mataas na antas ang kanyang pinuntirya. Pero marami ang umaayon na mas malakas ang fighting chance ni Bro. Eddie sa senadurya.

May ilang nakabasa sa kolum na naisulat ko kasama na si Bishop Leo Alconga ng Philippines for Jesus Movement. Sabi ni Bishop Alconga sa akin sa isa naming pagkikita: “Hindi ka lang manunulat kundi isang propeta dahil mangyayari iyang isinulat mo.”  Nun pala’y may ganyan talagang balak para mabigyang daan ang kandidatura ni Bro. Eddie.

Naku, napakataas na calling iyang pagiging propeta. Hindi po ako prophet. Hindi naman propesiya ang sinabi ko kundi isang scenario. Si Dr. Virgines ay pinatakbo ng Bangon Pilipinas para mapanatili ang status nito bilang political party at hindi naman para siya manalo. Kaya ang sabi ko, bakit hindi si Bro. Eddie ang tumakbo?

Idinugtong ko na ang aking naisip ay posibleng ikonsidera ng Bangon at sa hu-ling sandali ay aatras si Virgines para magka-puwang si Bro. Eddie. Sa ilalim ng regulasyon ng COMELEC, puwede ang substitution kapag umatras ang isang registered candidate.

vuukle comment

BANGON PILIPINAS

BISHOP ALCONGA

BISHOP LEO ALCONGA

BRO

BRO EDDIE

BRO EDDIE VILLANUEVA

BROTHER EDDIE

CIEL HABITO

DR. ISRAEL VIRGINES

EDDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with