^

PSN Opinyon

First aid sa na-high blood

DOK WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ang blood pressure niyo ay lampas sa 140 over 90, marahil ay may high blood ka na. Ngunit kapag ika’y pagod, nagagalit o nag-eehersisyo, tataas din ang iyong presyon pero hindi ibig sabihin ay high blood ka na. Ang tamang pagkuha ng blood pressure ay kung ika’y nakapahinga at walang ginagawa.

Ano ang sintomas ng high blood? Kadalasan walang nararamdaman ang isang taong may high blood. Kaya nga tinatawag na “silent killer” ang high blood pressure dahil nanganganib na pala ang buhay ng pasyente pero wala pa siyang nararamdaman. Pero may ilang tao ang nakararanas ng sintomas tulad ng pananakit ng batok, mabigat ang ulo at pagkahilo.

Heto ang first aid para sa mga na-high blood:

1. Siguraduhing tama ang pagkuha ng blood pressure. Kapag palagi itong mataas sa 140 over 90, ito ay nangangahulugang may high blood ka na.

2. Ipagpahinga ang pasyente ng 15 minuto. Sabihin sa kanya na huminga ng mabagal at malalim. Pagkatapos ay kuhanan muli ng blood pressure.

3. Kung may maintenance medicines ang pasyente para sa high blood pressure, ipainom ito sa kanya.

4. May 2 pagkakataon kung kailan puwedeng bigyan ng karagdagang gamot ang pasyente: (1) Kapag ang blood pressure ay lampas sa 140/90 at may nararamdaman ang pasyente, at (2) kapag ang blood pressure ay lampas na sa 160/100.

5. Ang pangkaraniwang first aid medicine na ibinibigay para bumaba ang presyon ay ang (1) Clonidine (Brand name: Catapres) 75 mcg, isang tableta lamang o (2) Captopril 25 mg, isang tableta din.

6. Tandaan na hindi lahat ng mataas ang presyon ay kailangan bigyan agad ng gamot sa high blood. Minsan ay kailangan lang ma-relax ang pasyente.

7. Depende sa kon­­disyon ng pasyente, puwede mo siyang dal­hin sa Emergency Room ng ospital o ipakonsulta sa klinik ng doktor.

Maraming kompli­kasyon ang high blood pressure katulad ng stroke (pagdugo sa utak), pagkabulag, sa­­kit sa bato at atake sa puso. Magpatingin sa doktor kapag ang presyon niyo ay lampas 140 over 90 para mabigyan kayo ng lunas. Good luck po.

vuukle comment

ANO

BLOOD

CAPTOPRIL

CATAPRES

CLONIDINE

EMERGENCY ROOM

HIGH

KAPAG

PASYENTE

PRESSURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with