^

PSN Opinyon

'Si Lolo Pedo (Pilya?)'

- Tony Calvento - The Philippine Star

Ang mga matatandang higit sa limampung taong gulang na mahilig gumamit ng mga batang paslit ay mga ‘PEDOPHILES o Pedopilya.’

“IIY@T”… mahina at pabulong na sagot ng isang bata nang siya’y tanungin kung anong ginawa sa kanya ng kanyang lolo.

ISANG LIHAM ang aming natanggap mula sa Atimonan Quezon.

“Sir.. kami ay tiga probinsya gusto sana naming humingi ng tulong mula sa inyong tanggapan. Wala kaming kakayahan sa isip at pati sa pera. Umaasa kami na makakuha ng hustisya sa ginawang pang-aabuso sa dalawa kong mga anak”.

BIKTIMA ng umano’y panggagahasa ang kanyang mga anak. Siya ay si Annie Ecleo. Kalakip ng sulat ang ilang mga papeles na may kaugnayan sa kasong kanilang inilalapit.

Nakapanayam namin siya sa aming programang CALVENTO FILES sa radyo ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon).

Pawang mga menor de edad ang mga biktima. Itinago namin ang magkapatid sa pangalang “Maria”, 7-taong gulang at “Marissa”, 11-anyos.

Napahagulgol si Annie, ina ng mga bata nang ikwento sa amin ang pang-aabuso sa kanyang mga anak.

Itinuturo si Isagani Manalo Arevalo, 51-anyos o mas kilala sa tawag na “Gani” taga-Barangay Sokol Atimonan Quezon na umano’y bumaboy sa mga bata. Si Isagani ay tiyuhin ni Annie.

“Hinimud po p#P% ko, pasok t=t% niya p#P% ko tapos himud p#P% ko uli. Bigay po ako pera dalawa sabi wag sumbong papatay mama, papa! Apapatay dami!” ang pautal-utal na sinabi ni Maria sa kanyang salaysay.

Nadiskubre lang daw ni Annie ang lahat nang magsumbong ang kapitbahay na si Laila Copeland 34-anyos sa kanya.

Nagsasampay noon ng damit si Laila sa labas ng bahay. Nakita niya si Isagani na hubad at naglalakad sa may patubig papunta sa sagingan.

Napalingon siya ulit at nakitang akay na nito si Maria. Sinabihan niya si Evelyn Ador, 20-taong gulang at ang kanyang 11-anyos na anak na si “Sheryl” (‘di tunay na pangalan) na sundan at tignan kung ano ang ginagawa ni Isagani sa bata.

Makalipas ang 30 minuto, bumalik ang dalawa.

“Nakita daw ni Evelyn at Sheryl na nakahubad ang anak ko na si Maria habang nasa tabi nito si Isagani. Nakapasok ang daliri sa ari ng aking anak at nagma-‘masturbate’ sa harap nito,” sabi ni Annie.

Nakakuha kami ng kopya ng salaysay ng testigo na si Evelyn. Pinasunod daw sila ni Laila dahil gusto nilang mapatunayan ang mga usapan at sumbong ng ibang batang may ginagawang hindi maganda kay Maria.

Ika-27 ng Mayo, 2012, alas 7:00 ng gabi nang magtapat daw sa kanila ang tatlong bata na nakita daw ng mga ito na kinakanyod ni Isagani si Maria.

Nung una daw ay hindi makapaniwala si Evelyn dahi masyadong bata si Maria pero mismong siya pala ang makakahuli sa akto.

Ika- 29 ng Mayo, 2012, 10:30 ng umaga, kasama niya si Sheryl sa sagingan.

“Nakita mismo ng mga mata ko na nakahubad si Maria. Si Isagani ay nagma-masturbate sa harap ni Maria habang hinihimud at hinahalikan ang P&p@ nito,”.

Nagulat si Evelyn kaya nadulas siya. Huminto si Isagani at umalis palayo sa kanila.

Sinundan nila ito pero hindi na nila nakita kung saan nagpunta ang dalawa. Natakot si Evelyn dahil may dala itong itak kaya bumalik na sila sa bahay.

Makalipas ang sampung minuto, nakita daw nila ni Laila si Maria na humawak sa ari nito. Paglabas ng kamay ay may nakita silang dugo.

Tinanong ni Evelyn si Maria kung anong ginawa ni Isagani. “Iiy@t,” sagot ng bata. Inalam din niya sa kanyang 11-anyos na anak na si “Marissa”, kung may ginawa din ba sa kanya si Isagani.

Pumatak ang luha sa mata ng bata. “Ako rin po!”. Nanlumo si Annie nang malamang pati si Marissa ay tinuhog din ng matanda.

Abril 2010 pa lang daw ay ginagahasa na siya nito sa iba’t ibang lugar. Alas 7:00 ng umaga noon ay inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng harina.

Pabalik na siya ng bahay nang makasalubong si Isagani. Niyaya siya nito hinawakan sa kamay at inutusang manguha ng puso ng saging. Pagsapit nila sa isang sirang kubo sa may So Hinliligti Barangay Sokol ay pinamulot siya ng pako sa loob ng kubo.

Nagpaalam siyang uuwi ngunit humarang daw ito sa pinto. Inagaw ang harina at ibinaba sa may bangko. Nagpupumilit siyang umalis ng mga oras na yun.

Sapilitan siyang inihiga sa kamang sira sa loob ng kubo. Hinubad ang suot na short ni Marissa at si Isagani ay naghubo na rin. 

“Iniy@t niya po ako. Nanlaban ako. Inilabas ko ang kutsilyo sa may nail cutter na nakuha ko sa aking short para siya’y saksakin subalit sa lakas niya ay hindi ko siya nasaksak”, ayon kay Marissa.

Nairaos ni Isagani ang sarili. Binantaan niya ito na papatayin ang buong mag-anak kapag nagsumbong si Marissa. Tumakbo si Marissa palabas ng kubo na hubo at hawak ang kanyang short. Umuwi siya at hindi nagsumbong dahil sa takot.

Ayon sa kopya ng ‘medico legal certificate’ ‘old hymenal tear, 7 oclock position, 3 oclock position’. Vaginal vault admits 2 fingers with ease.

Ayon kay Annie noon daw ay maganda naman ang samahan nila. Sa katunayan ay dating sinasaka ng asawa ni Annie ang lupain ni Isagani. Binawi ang lupain at pinagamit sa iba noong taong 2010.

Nababagabag ang pamilya Ecleo dahil wala pa daw naisasampang kaso hanggang ngayon. “Sabi po ng pulis, lagpas na daw sa prescriptive period kaya hindi pwedeng i- file ang kaso. Nung pumunta na kami sa Gumaca kasama ang mga testigo bawat pirma daw sa piskal ay pinagbabayad ako ng Php150. Wala naman kaming pera,” kwento ni Annie. 

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, dati ng may punit ang ari ni Marissa. Mali ang sinasabi ng pulis na lagpas na daw sa oras kaya hindi pwedeng isampa ang kaso. Katangahan ang sagot na yun. Ang ‘prescriptive period’ ng kasong Rape ay umaabot ng hanggang 20 taon.

Ang testimonya ng isang bata ay binibigyan ng timbang ng ating hukuman at taga-usig. Dahil ang mga bata ay pinapaniwalaan na hindi gagawa ng kwento lalo na sa ganitong kabigat na kaso kung saan makakaladkad siya sa kahihiyan at pangungutya ng publiko.

Todo tanggi ang matanda sa mga akusasyon sa kanya. ‘Alibi o denial’ lamang ang maidepensa nitong si Gani (weakest form of defense) sa kabilang banda ang mga bata ay merong ‘medico legal certificate’ at diretsong testimonya na sila ay ginagahasa nitong manyakis na ‘senior citizen’ na ito. Para makumpleto ang recado at mahanap ng ‘probable cause’, ang taga-usig meron ding ‘eye witness’ na nakasaksi ng krimen.

Kami ay makikipag-ugnayan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ng Atimonan Quezon upang maasistehan si Annie sa pagsasampa ng kasong ‘STATURORY RAPE’ dahil ang mga biktima ay wala pang dose anyos.

(KINALAP NI AICEL BONCAY)

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

vuukle comment

BATA

DAW

ISAGANI

LSQUO

MARISSA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with