^

PSN Opinyon

William at Daniel

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

SI alyas William ay pulis Quezon City. Binitbit siya ni Maj. Daniel sa pagtalaga nito bilang hepe ng South Field Office ng CIDG. Akala ng lahat, magtatrabaho si William laban sa mga criminal tulad ng kidnaper, riding-in-tandem, at iba pa. Hindi pala ‘yon ang linya ni William. Nagtrabaho nga siya. Pinaghuhuli niya ay ang mga loteng, ending, bookies ng karera at sakla. Maaring wala pang nahuhuling criminal sina Maj. Daniel at William. Pero nagtagumpay naman sila. Ang dating P80,000 weekly tong collection ng CIDG South Field Office ay naitaas ni William sa P100,000. Hindi ba magandang accomplishment yan ha PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome at DILG Sec. Jesse Robredo? Kaya sa ngayon, ang mga illegalista sa southern Metro Manila ay hindi makatulog. Iniisip nila ano na naman kayang gimik ang gagawin ni William para parusahan sila. Buti nga sa inyo! Magtiklupan na kayo kung hindi n’yo kaya ang “demand” nina Daniel at William.

Itong tulad nina Daniel at William ang isang dahilan kung bakit patuloy na pumadausdos pababa ang PNP. Ilan lang naman ang mga ito subalit malakas ang dating nila sa komunidad. Nakakalimutan ng sambayanan ang magagandang ginawa ng PNP kapag sumingit sa eksena ang pangalan nina Daniel at William. Hindi naman sana mapapansin ang pangongotong nina Daniel at William kung meron din silang accomplishments laban sa kriminalidad. Pero wala.

Ang usapan sa southern Metro Manila, marami palang tumulong kay Daniel para mapapuwesto sa CIDG South field office. Kaya lumilingon din siya at siyempre kailangan niya ng “padulas” sa mga amo niya. Kaya pala masipag si William? Nabili pala ni Daniel ang puwesto niya kaya sinisikap ni William na punuan ang nawala sa kanya.

Magtatagal pa sa puwesto si Daniel dahil mukhang hindi na matinag sa upuan niya si CIDG chief Dir. Sammy Pagdilao. Kung dati tinatarget nina Gen. Ed Ladao at Gil Meneses ang puwesto ni Pagdilao, hindi na sila puwede sa ngayon. Ayon sa batas, hindi na puwedeng i-promote ang opisyal ng PNP na wala nang isang taon sa serbisyo. Mapapalitan lang si Pagdilao kung ang puwesto na pu-puntahan niya ay halos ka-level ng CIDG. Pero umuugong na si Ladao ang papasok na hepe ng NCRPO sa susunod na mga araw. Abangan!

vuukle comment

CHIEF DIR

DANIEL

ED LADAO

GIL MENESES

KAYA

METRO MANILA

PERO

SOUTH FIELD OFFICE

WILLIAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with