^

PSN Opinyon

Natural wonders

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

SIKAT tayo sa buong mundo dahil sa ating likas yaman. Natawag na tayong one of the biologically richest countries in the world. Ang tanyag na Puerto Princesa underground river ay kasama sa konsiderasyon bilang New Seven wonders of Nature. Kagubatan, karagatan, kabundukan, bulkan, mga mineral, lawa, ilog, sapa, mga beach at waterfalls — ilan lamang ito sa dahilan kung bakit ang Pilipinas ay hinahangaan sa labas ng bansa. Itong mga nakaraang araw ay nadagdagan pa itong mga “hayop sa gandang” katangian dahil sa dalawang “magandang hayop”.

Una dito’y ang Ms. World 1st runner-up na si Gwendoline Ruais. Matapos pumang-apat si Shamcey Supsup sa Miss Universe Pageant, heto’t pumangalawa naman si Gwendoline sa Miss World. Napantayan nito ang ating pinakamataas na puwesto sa kasaysayan ng timpalak – ang 1st runner up ding nakamit ni Ms. Evangeline Pascual noong 1973. Sinundan ang tagumpay ni Gwendoline ng pagpuwesto ding si Bb. Pilipinas-International Diane Necio sa top 15 semi-finalists ng Miss International competition. Muling napatunayan ang matagal nang kinaiinggitan ng dayuhang kababaihan: Ang kababaihang Pilipina ay hindi lamang pinakamabait at masipag sa buong mundo, ito rin ang pinakamaganda!

Kung sa pagandahan ay lumalaban tayo sa mga topnotcher, sa palakihan nama’y kumpirmado na tayong pinakamalaki sa buong sandaigdigan. Ang tinutukoy ay walang iba kung hindi si Lolong, ang higanteng saltwater Crocodile na nahuli sa Bunawan, Agusan del Sur. Ayon sa mga eksperto ng National Geographic na bumisita sa bansa para lamang sukatan si Lolong, ang official size ng buwaya ay 20.3 feet. Bago ito nahuli, ang kinilala nang biggest crocodile in captivity ay si Cassius ng Australia na nasukat sa habang 18 feet. Mantakin niyong higit sa 10% ang hinaba nitong si Lolong sa dating may hawak ng corona! World record ang kanyang size at siguradong papasok sa Guinness Book of World Records. “It was like measuring a dinosaur”, anila. Maaasahang dadagsain ito ng milyon milyong bisita.

Mayaman ang Pilipinas sa wonders of nature. 

vuukle comment

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

GWENDOLINE

GWENDOLINE RUAIS

LOLONG

MISS INTERNATIONAL

MISS UNIVERSE PAGEANT

MISS WORLD

MS. EVANGELINE PASCUAL

MS. WORLD

NATIONAL GEOGRAPHIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with